^

Para Malibang

Pangalawang Anino (92)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA na ang paghahanap ng mga pulis.

Hinalughog ang buong ospital.

“Inay, kanina pa sila naghahanap pero mukhang wala pa ring resulta.” Hindi mapalagay si Nanette.

“Kung wala silang makikita, anak ... hindi nanga­ngahulugan na ligtas na sa ginawang krimen si Yawan.”

“Ganoon nga ho ‘yon, Aling Sheila. May saksi sa ginawang pagpatay ni Yawan at ako ‘yon.”

“At ... handa ka namang tumestigo laban sa kanya, Arturo? Hindi ka maaawa o manghihinayang sa kanya kapag nakulong?” tanong ni Nanette. Hindi kaagad nakasagot si Arturo. Pero ito naman ang nagtanong kay Nanette. “Kung iyan kaya ang dapat mong sagutin, Nanette ... hind ka ba maaawa kay Yawan kapag kakasuhan siya ng pulisya? Dahil kapatid mo siya sa ama?”

Napayuko si Nanette. “Sobra na ang kanyang kasamaan. Naniniwala ako sa sinabi mo na pinatay niya si Inang Maria. Hindi ko siya mapapatawad doon. Napakabuting tao ng pinatay niya. Halos ang turing na nga kay Inang Maria ay santa na buhay. Pero walang pakundangan siyang pinatay ni Yawan.”

“Kung ganoon disidido ka na rin talaga na makulong siya?”

“Bakit hindi? Sabi ko nga, napakalaki ng kasalanan niya.”

“Ganoon na rin ang katuwiran ko ngayon, Nanette. Dapat maparusahan si Yawan, parusang pantay sa ginawa niyang krimen.”

Nakahinga nang maluwag si Nanette dahil ang nobyo ay wala nang pag-aalinlangan laban kay Yawan.

Dumating na ang mga pulis, narinig nina Nanette ang pagre-report ng mga ito kay Hepe.

“Wala, Hepe. Kahit saan kami naghanap, wala talaga.”

“So ang status ngayon ng pangyayari ay may pinatay pero walang bangkay. May mga saksi pero nasa mga mata lang nila ang pruweba.”

“Hepe, marami rin naman ho kaming saksi. May doktor, nurses, hospital attendants ... at ako po, teacher. Hindi naman ho kami mga tambay lang sa kanto. Palagay ko ho, dapat lang na bigyan ninyo ng merits ang mga pahayag namin.”

Tahimik ang hepe sa sinabi ni Arturo.

“Hindi ko kayo minamaliit, Arturo. May mga kredibilidad kayo. Kaya oo, sasampahan natin ng kaso ang Yawana na ‘yon. Dapat niyang pagbayaran ang pagpatay niya kay Inang Maria!” Deklara ng hepe na ikinatuwa nina Sheila.  -  ITUTULOY

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with