Passing rate ng 2016 Bar Exam tatalakayin ng SC en banc
MANILA, Philippines - Nakatakdang talakayin ng Supreme Court (SC) sa isang special en banc session ang resulta ng 2016 Bar Examinations.
Idaraos ang special en banc session pagkatapos ng summer session ng mga mahistrado sa Lungsod ng Baguio sa Mayo 2, 2017.
Sa nasabing deliberasyon, inaasahang pagpapasyahan ng mga mahistrado ang passing rate sa pagsusulit na susundan naman ng paglalabas ng resulta ng mga nakapasa.
Si Associate Justice Presbitero Velasco ang tumayong Chairman ng 2016 Bar Examinations.
Umabot sa 6,831 ang kabuuang bilang ng mga law graduate na kumuha ng Bar exams nuong Nobyembre 2016 sa University of Santo Tomas.
Walong asignatura ang kasama sa pagsusulit kabilang na ang Political Law, Civil Law, Criminal Law, Remedial Law, Taxation, Mercantile Law, Labor Law at Legal and Judicial Ethics. (
- Latest