^

Pang Movies

Anne kinaiinggitan sa pa-birthday ng asawa!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Anne kinaiinggitan sa pa-birthday ng asawa!

Erwan Heussaff at Anne Curtis

Ang sweet ng birthday message ni Erwan Heussaff sa asawang si Anne Curtis na nagdiwang ng kaarawan kahapon, Feb. 17.

Nag-effort pa si Erwan na gumawa ng video at in-upload sa Instagram kasama ng napaka-touching na caption.

“There is nothing more I enjoy in life than watching you have a good time, stuff your face and be merry. There is a certain way that you look at me that’s hard to describe but that will always let me know if we are where we are supposed to be.

“Now that you’re my wife, my job is to make sure that all those things become constants on the road ahead, from here on out. This is your 8th birthday that we cele­brate together, yet it always feels so new and exhilarating.

“In the words of the King Well, I love you, for what you are I even love you. For what you may become @annecurtissmith,” ang caption ni Erwan na pinuri-puri talaga ng netizens.

Wish naman ng marami sa birthday ni Anne, sana raw ay magka-baby na sila ni Erwan.

Tom hindi pa rin tanggap ang pagkamatay ng ama

Mag-iisang taon na simula nang yumao ang tatay ni Tom Rodriguez pero ayon sa aktor, hindi pa rin talaga ganu’n kadali ang mag-move-on.

“Marami pa akong bagay na admittedly, hindi kino-confront when it comes to that, especially kapag mag-isa lang ako. Kaya buti na lang din, hindi ako mag-isa palagi,” aniya nang makausap namin sa presscon ng The Significant Other.

March of last year pumanaw ang American father ni Tom at hindi pa raw siya talaga prepared dahil ang dami pa nilang balak gawin. “Ang dami na naming gagawin sana na mga dreams niya, na ipinangako ko sa kanya dati.” Tulad nga raw ng pagbili niya ng farm sa Subic at balak niyang ilipat ang mga kabayo ng ama sa naturang property.

Bago yumao ang ama ay maraming beses na rin daw nitong na-meet ang girlfriend na si Carla Abellana at botong-boto raw ito. “He was very, very fond of her, sobra. And he would watch lahat ng shows niya, dalawang beses niyang papanoorin pa, isa sa umaga, isa gabi,” kuwento ni Tom.

Sayang at hindi na nga makikita ng ama niya na ikasal sila ni Carla although ani Tom ay hindi pa naman talaga nila ito napag-uusapan ng girlfriend dahil kailangan muna niyang mag-ipon. But he hopes na si Carla na raw talaga ang babaeng magiging kasama niya for the rest of his life.

Paolo napainom sa halikan nila ni Yam

May kissing scene sa pelikulang Amnesia Love sina Paolo Ballesteros at Yam Concepcion at pagbibiro ng aktor ay nauhaw daw siya pagkatapos kunan ang eksena.

“Humingi (ako) ng tubig,” natatawa pang sabi ni Paolo.

Bagama’t hindi naman daw ito ang first time na maka-kiss siya ng girl, siyempre ay nailang pa rin naman daw siya.

“Siyempre kasi ano, eh aktingan, alam mo ‘yun? Tapos may camera, kinukuhanan. So ayun,” sambit ni Paolo.

Natanong din siya kung sino ba ang mas masarap na kissing scene – babae o lalaki, and he answered, “ay hindi ko alam, tsika! Kahit sino, basta may nguso.”

Ayon naman kay Yam, masarap daw kahalikan si Paolo dahil malambot ang lips nito.

Natawa na lang ang aktor.

Showing na sa Feb. 28 ang Amnesia Love mula sa direksyon ni Albert Langitan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with