^

Pang Movies

Nangyayari sa Nadine movie, naranasan ni Ate Vi noon

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi nga naiwasang pati si direk Dan Villegas ay matanong tungkol sa naging reklamo ng kanyang girlfriend na si Antoinette Jadaone, na inilabas ng huli sa kanyang social media account. Bagama’t nagbigay ng kaunting opinion, walang sinabing ano man si direk Dan sa mga pangyayaring iyon. In the first place, ang dapat nga namang ma-promote ay ang pelikula niyang Changing Partners na si Agot Isidro ang bida, at hindi sina James Reid at Nadine Lustre.

Sinabi niyang dapat maintindihan din ang nara­ramdaman ng isang director kung ganoon nga kagulo ang ginagawa niyang pelikula, pero nabanggit niyang sinabi niya kay Jadaone na girlfriend niya na sana hindi na iyon lumabas pa kahit sa social media.

May nangyayari talagang ganyang problema. Noong araw nga natatandaan namin, nagkakaroon din ng ganyang problema kahit na si Congresswoman Vilma Santos. Basta umatake na ang kanyang insomnia, na hindi naman niya kontrolado. Hindi siya makatulog buong gabi, kaya hindi rin siya makapag-shooting kinaumagahan. Masisisi ba naman ninyo siya sa ganoong sitwasyon, eh nangyari naman iyon dahil sa mga puyatan sa mga shooting nila.

Hindi naman namin sinasabing palampasin na lang iyang mga ganyang problema. Siguro nga kaila­ngan nilang pag-usapan nang mabuti kung gusto pa nilang tapusin ang kanilang mga ginagawang proyekto. Kung hindi, kung sino nga ang hindi makatagal, siya ang aalis. Minsan naman kailangang intindihin din natin. Pinagagawa ang mga artista ng sabay-sabay na proyekto, tapos nahihirapan sila sa schedule. Iyong producer naman ang dapat na managot niyan. Bakit nila pinagagawa nang sabay-sabay na trabaho ang kanyang artista?

Agot mas bagay sa foreigner na lover

Doon din sa grand launch noong Changing Partners, natawag ang aming pansin noong sinasabing 51 years old na si Agot Isidro, at simula nga raw noong makipaghiwalay siya sa kanyang asawa, nanatili na siyang single hanggang sa ngayon. May mga nagpaparamdam naman daw kay Agot, kaya lang talagang hindi muna niya iniisip ang magka-lovelife.

Tama rin naman si Agot sa pagsasabing siguro nga kung sakali, mas gusto niya ang isang non-showbiz guy. Alam naman ninyo sa showbiz,  ang mga ganyang tinatawag na mga matured relationships ay hindi rin naman tumatagal. Siguro nga masasabi nating mas ok kung ang manliligaw at mapipili ni Agot kung sakali ay isang foreigner. Kasi sa kanila, hindi mahalaga ang nakaraan, hindi mahalaga ang edad, basta sila ay nagkakasundo tama na iyon.

Hindi malayong magkasakit anak ng aktor pinapatos lahat ng klase ng sideline!

Topic pa rin hanggang ngayon iyong sinasabi nilang anak na lalaki ng isang male star na talamak na sa “pagsa-sideline”. Kahit daw kasi hindi niya talagang kilala iyong tao, maaaring naka-chat lang niya sa internet, iniaalok na niya ang kanyang sarili. Pero ang dapat na mas matakot diyan ay iyong magkakaroon ng interest sa kanya. Isipin ninyo, sa dami ng kanyang pinapatulan kahit na hindi niya kilala, hindi malayong magkasakit iyan. Baka nga carrier na iyan eh.

Kaya nga ang paulit-ulit nating warning sa lahat, iwasan ang mga ganyang bagay at ang mga ganyang tao. Baka sila pa ang magdala sa inyo sa tiyak na kapahamakan na hindi na ninyo kayang ituwid pagdating ng araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with