^

Pang Movies

Jodi may direksyon ang buhay!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hangang-hanga talaga ako kay Jodi Sta. Maria dahil ipinakita niya na isa siyang babae na may focus at direksyon sa buhay.

Busy siya sa kanyang career, inaalagaan ang anak na si Thirdy pero nanindigan na ituloy ang pag aaral niya na hindi madaling gawin.

Nag-adjust si Jodi sa schedule nito sa mga taping dahil isang araw sa isang linggo, 12-hours na kaila­ngan siya sa school na kanyang pinapasukan.

Ang sabi ng iba, impossible ang dream ni Jodi na makatapos ng medicine o maging doctor pero sa nakikita ko na determination niya, mukhang matutupad ang kanyang pangarap.

May kasabihan na dream big, aim high at ito ang ginagawa ni Jodi na dapat na maging ehem­plo ng mga kapwa niya artista.

Hindi lamang ang showbiz ang dapat na gawin na mundo ng mga aktor at aktres. Sana, tularan nila si  Jodi.

Huwag nilang sabihin na busy o marami sila na trabaho. Sacrifice a little for your growth, tapusin ang pag-aaral kahit maraming showbiz commitment na alam natin na hindi stable job.

May oras para sa mga gusto mong gawin, may panahon ka kung talagang gusto mo na makatapos ng pag-aaral.

Baka nga pag nag-aral ka, mas guma­ling ka pa na artista, mas humusay ka pa na mag-deliver ng dialogue, at mas gumaling pa emosyon mo.

Mas mabuti na ang mag-aral kesa sa mga walang katuturan na sosyalan. We salute you Jodi, maganda ka na, mahusay ka pa na artista at siguradong good doctor in the future.

Anak ni Jolo gifted sa pagsasalita at pagsusulat ng english

Nakakabilib din si Gabs, ang lovechild ni Jolo Revilla kay Grace Adriano na anak ng isang hindi na active na artista.

Birthday ni Grace noong January 16 kaya nakatanggap siya ng birthday message mula sa kanyang panganay na anak.

“Happy Birthday Mommy! May all your plans and dreams come true, always remember that it’s never too late to do the things you love. May God bless you with enough courage to follow your goals.

“As years add up to your life may you grow ever stronger and wiser… we love you always! Have a great one! Love you Mom,” ang sabi ni Gabs na matalinong bata sa edad na 13.

Nakatira si Gabs kay Lani Mercado na maganda ang pagpapalaki sa mga anak nila ni Bong Revilla, Jr. kaya magagalang at matatalino rin ang kanilang mga apo.

Ang galing-galing ni Gabs na magsalita at magsulat ng American language. Masipag mag-aral ang bagets kaya matataas ang mga grade niya sa school.

Ewan ko lang kung darating ang araw na susubukan ni Gabs na mag-artista dahil may pinagmanahan siya, ang kanyang mga sikat na artista na lolo, lola, tatay at mga tita.

Jadine at Direk Tonette lilipad pa-London!

Lilipad ngayon sa London sina James Reid at Nadine Lustre para sa shooting ng pelikula nila sa Viva Films na pinaingay ng direktor na si Antoinette Jadaone.

All’s well that ends well dahil nagkausap na ang magkabilang panig, nagkapaliwanagan kaya tuloy na tuloy ang London shooting nina James at Nadine.

Nagmukhang katawa-tawa ang mga nega na nakisawsaw sa isyu at nag-akala na hindi tatapusin ni Jadaone ang Never Not Love You, ang working title ng JaDine starrer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with