Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kim ibiniyahe ang pamilya sa Hong Kong

Pagkatapos sa Europe with Xian

Pagkatapos magbakasyon sa Denmark, Finland and Sweden nitong nakaraang Pasko kasama ang rumored boyfriend na si Xian Lim, it’s family time naman para kay Kim Chiu.

Kasalukuyan siyang nasa Hong Kong kasama ang buong pamilya.

Sa Instagram post ni Kim ay sinabi niyang first time raw ng kapatid niyang si William Chiu, Jr na pumunta ng Hong Kong, ganun din ang papa niya after 15 years.

“Jan 2, 2018. Family time well spent!!! first time to travel with my kuya and papa!!! first timer in hongkong @williamchiujr  haha and papa after 15 years! thank you @accesstravelph for fixing our trip! #mylife #myinspiration #GIFTofFamily,” ang caption ni Kim sa series of photos nila ng pamilya na in-upload sa IG.

Sa Instagram story naman niya sa Hong Kong with matching dinner cruise pa.

Pinuri ng netizens ang pagiging mabuting anak at kapatid ni Kim, pati na rin ang kanyang energy na wala raw yatang kapaguran ang aktres at hindi raw yata marunong magpahinga.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“After traveling with Xian, it is time with the family. You even have time to be at TV Patrol the other day. Where do you get that stamina? Admirable woman,” komento ng isang netizen.

Jasmine ayaw patali sa network

Wala pang planong sumunod si Jasmine Curtis-Smith sa kanyang ate Anne Curtis sa pag-aasawa. Bagama’t sobrang okay na okay ang relasyon nila ng non-showbiz bf na si Jeff Ortega, ayon sa aktres ay hindi pa raw niya naiisip ang marriage at marami pa raw siyang gustong gawin.

“Hindi pa nga ako ganu’n ka-solved sa direksyon ng career ko, I’m still planning it out, I’m still trying to see ano pang talagang gagawin ko.

“But once that’s figured out, siguro, from there, tingnan natin kung ready na three years from now, pero wala namang rush-an. When the time comes, God will let me know,” pahayag ni Jasmine sa latest interview sa kanya ng press.

Matapos manalong Best Supporting Actress for Siargao sa nakaraang Metro Manila Film Festival awards night bago matapos ang 2017, ngayong taon ay sabak naman agad sa trabaho si Jasmine dahil magsu-shoot na siya ng bagong movie titled General Admission directed by Jeffrey Hidalgo kasama si JC de Vera.

Sa kanyang acceptance speech nga sa Gabi ng Parangal ng MMFF ay sinabi ni Jasmine na it’s been a tough two years for her at kahit wala raw siyang network ay thankful siya na mayroon pa naman siyang trabaho at may mga movie offers na natatatanggap.

Sa ngayon ay freelancer si Jasmine at pwede siya sa kahit saang network. Hindi raw niya masabi kung gusto niyang patali sa isang network dahil okay naman daw siya sa ganitong set-up.

Ruffa mas tumibay na ang relasyon sa French-Israeli bf

Mukhang going smooth and stronger pa rin ang relasyon ni Ruffa Gutierrez sa French-Israeli boyfriend na si Jordan Mouyal.

Nag-post ang aktres ng larawan nilang dalawa recently at sa caption ay nakasaad na excited siya sa 2018 with him. Tinawag din niyang “mon amour” ang boyfriend.

“Surround yourself with those who see greatness in you, even when you don’t see it in yourself. Cheers to new, exciting adventures in 2018 Mon amour @jordanmouyal Thank you for everything! HAPPY NEW YEAR,” ang caption ni Ruffa G.

Nag-post din siya ng larawan nila ng dalawang anak na sina Lorin and Venice kasama si Jordan habang sinasalubong ang Bagong Taon.

Mukhang okay na okay naman sa dalawang bagets ang boyfriend ng mom niya at tila kay Annabelle Rama na lang hindi.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: