^

Pang Movies

Akting ni Paulo hindi pinalampas ni Lea!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Akting ni Paulo hindi pinalampas ni Lea!

Paulo Avelino

Siguro nga kung sinasabi man ng iba na hindi napansin ng mga jurors ang acting ni Paulo Avelino sa Ang Larawan, masasabi namang bawi siya dahil sa napakagandang sinabi tungkol sa kanyang acting ni Lea Salonga.

Nag-post pa si Lea sa kanyang social media account, at sinabing bagama’t hindi nga nakakakanta si Paulo na kasing husay ng kanyang mga kasama sa musical na iyon, kinakitaan naman siya ng napakahusay na acting. Sinasabi pa nga ni Lea na naniniwala siyang si Paulo ay magiging isa sa Best Actors ng kanyang panahon. Hindi kung sino lang na walang name at cre­dibility ang nagsabi niyan. Si Lea Salonga, na isang established actress sa isang international musical, at nanalo ng grand slam sa London at Broadway ang nagsabi niyan.

Sa parte naman niya, aminado si Paulo na hindi siya singer at hindi talaga siya maaaring ilaban doon sa mga kasama niya na puro singers talaga. Iyong mga iyon, matindi ang rehearsals at vocalization na ginagawa nila araw-araw. Si Paulo naman, kailangang mag-aral pang kumanta. Nakakakanta naman siya kung may mga out of town shows, pero iba kasi iyong pagkanta sa isang musical. Mabuti nga pelikula lang iyan, at pre-recorded ang mga kanta. Iyong mga kasama niya sanay sa stage musicals, ibig sabihin talagang paulit-ulit at live na pagkanta. Papaano mo naman siya ikukumpara sa mga iyon.

Pero hindi rin naman masasabing naiwan siya ng kanyang mga kasama. Pinatunayan naman niya ang kanyang kahusayan bilang isang actor. Kanya-kanyang choice iyan eh. Siguro nga, mas nabigatan ang mga jurors sa roles ng ibang mga actor sa ibang pelikula. Iyon kasing role naman ni Paulo, kahit na sabihin mo pang siya ang leading man ay hindi nga masyadong mahaba. Kasi talagang umikot ang kuwento sa characters nina Candida at Paula.

Kuya Germs hindi na makakalimutan

Noong isang gabi, habang nanonood kami ng New Year countdown, naalala namin si Kuya Germs. Masama na ang pakiramdam niya noon, pero ayaw niyang palampasin ang countdown. Kahit na medyo umuulan, nagpunta pa rin siya sa countdown ng GMA at nag-host pa rin nang live. Makalipas ang ilang araw pa, inatake siyang muli, at tuluyan na ngang pumanaw.

Matagal na rin namang wala si Kuya Germs, dalawang taon na, pero aywan kung makakalimutan nga ang isang artistang kagaya niya na masama man ang pakiramdam, nanaig pa rin iyong paniniwalang “the show must go on”. Walang kapalit talaga ang Master Showman.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with