^

Pang Movies

Eskandalo sa showbiz dodoble, AlDub babalik sa pagpapakilig, career ni Kris sisigla!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sariling hula sa 2018...

Missing in action na ang mga manghuhula at hindi na yata uso ang mga hula sa showbiz kaya ako na lang ang gagawa ng mga prediction ko para sa 2018 bilang ngayon ang first day ng Bagong Taon.

Kahit hindi inborn, may talent ako sa panghuhula dahil sa maraming dekada na pamamayagpag ko sa showbiz.

Puwedeng pumalpak ang mga prediction ko pero sure ako na fifty percent na tumpak ang mga hula ko.

Kahit ano pa sabihin ng doubting Thomases, ang AlDub  loveteam nina Maine Mendoza at Alden Richards will still be a team at mabawasan man nang konti ang popularity nila, they will remain on top.

Tandaan, wala pang naging kasing pheno­menal nila ang pagsikat at iilan lang  sa showbiz ang phenomenal loveteam, ang tambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III, Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, John Lloyd Cruz- Bea Alonzo, John Lloyd Cruz- Sarah Geronimo  pero grabe talaga  ang bagyo na ginawa ng AlDub noong 2015.

Sobrang  ingay at lakas kaya nandoon ang ugat na hindi basta puwede na matsugi, kahit magkaroon  ng mga solo career sina Maine at Alden.

Lalong titibay ang relasyon nina Marian Rive­ra at Dingdong Dantes bilang married couple. Anuman ang mangyari sa paligid nila, they will be stronger loving each other , they will grow old together. Parang sila ang bagong Susan Roces at Fernando Poe, Jr. ng local showbiz.

Coco Martin will still hold his grip as King of Primetime dahil sure na mas maganda pa ang mga gagawin niya na project after FPJ’s Ang Probinsyano. May nagkuwento sa akin na ang television remake ng Batang Quiapo ang next primetime series ni Coco sa ABS-CBN.

Pupusta ako na makakaisip na naman ng bagong portion ang Eat Bulaga at tatagal pa ng maraming taon as noontime show. Hindi lang sure kung kasali pa sa bagong portion si Sinon Loresca dahil sa eskandalo na kinasasangkutan nito.

Maraming ikakasal sa 2018 at may mga bagong baby na isisilang.

At kung may mga magpapakasal, may mga maghihiwalay rin.

Isang good project lang ang kailangan ni Kris Aquino para makabalik siya sa mainstream. You know why? Kris is so in love with showbiz na she will not let go of that love kaya pilit niya na hahanapin at makikita uli ang way to the top , maniwala ka sa akin. Si Kris pa? One good project and she will have her groove back.

Magiging matindi ang labanan ng mga tele­serye, sa hapon at gabi. Magiging kontrobersyal ang 44th Metro Manila Film Festival at gagawa uli ng mga pelikula para sa MMFF sina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto.

Makalalaya na si Bong Revilla, Jr. sa 2018 dahil sa dami ng mga nagdarasal para sa kanya.

The entertainment industry will be more exci­ting dahil mas marami ang eskandalo, merrier at happy ang fans na breakfast, lunch at dinner ang mga showbiz intrigue.

At ang  last hula ko na dapat matupad sa 2018, makikita ko na  ang aking favorite Korean actor na si Jo In-Sung, sa ayaw at sa gusto niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with