^

Pang Movies

Alden at Maine pinag-usapan ang bakasyon!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nag-share ng biyaya si Alden Richards kahapon sa resto niyang Concha’s Garden Tomas Morato, sa entertainment press na patuloy na sumusuporta sa kanyang career. Bukod sa pagpapatikim ng kanilang specialty nagpa-raffle din siya ng cash prizes!

Fresh from holiday break sa Japan si Alden kasama ang buong pamilya kung saan sinulit nila ang bakasyon doon. Sa pagbalik ni Alden, sasalubungin niya ang New Year’s Countdown special ng GMA Network sa December 31 na pitong taon na niyang ginagawa. Then, sasalang siya sa live episode ng Eat Bulaga sa January 1, 2018.

The next day, January 2 ay birthday naman niya. Isang special birthday ce­lebration ang mapapanood sa Bulaga sa January 6. Bukod pa ito sa gagawin niyang treat sa fans niya sa Enchanted Kingdom.

“Nine days kami. Nagpunta kami ng Fukuoka and then Tokyo. First time, first out of the country ng family. So nag-enjoy kaming lahat.

“2017 sobrang okay pa rin ng year dahil ang dami pa ring dumating na blessings at saka itong restaurant ko po. Next year ay available na ito for franchising. So palalakihin na namin this year.

“Yung endorsements po, marami pa ring nag-renew, this year and next year and when it comes to projects naman po, magpapa-presscon po kami pag meron nang updates. Pero so far everything is in the planning process.

“Even the movie, wala pa po kaming final word so we’ll just wait for it.

“Tapos, may international shows, this coming January 22, nasa Australia ako, sa Sydney. January 20 pala ang show ko. Tapos, magkakaroon din ng GMA Pinoy TV sa New Jersey at Toronto.

“New Year countdown po kaya ako napauwi. Every year ginagawa ko. Seven years na.

“Eat Bulaga, may birthday special ako roon.”

Ano naman ang wish niya sa kanyang kaarawan?

“Birthday wish? Katulad din ng sinulat ko sa Instagram stories ko. Peace, continuous blessings. Simple lang naman po. Wala na naman akong masyadong hinahanap kasi I am very much contented with everything.

“Tungkol naman kay  Maine (Mendoza), nag-usap po kami bago siya umalis and I am very happy that she’s having fun, spending the holidays with her family sa abroad. The same thing with me. I’ve got time to spend time with my family.

“Parang we both deserve those breaks far from everything. Hintayin na lang natin ang pagbabalik niya. Thank you po and Merry Christmas!” pahayag ni Alden.

Marian walang keber sa pagrampa sa Siargao!

Nagpa-wow na naman si Marian Rivera sa latest picture niya sa Instagram. Wala siyang keber habang uma-awra sa dagat suot ng polka dots swimsuit, huh!

Regalo ni Yan sa sarili ang bakasyong ito sa Siargao Islands kasama ang asawang si Dingdong (Dantes) at anak na si Zia.

Komo matatapos na ang GMA series niyang Super Ma’am, handa na rin siyang masundan ang panganay. Kung sakali namang mabuo ‘yon sa paggawa ng bagong programa, tuloy pa rin siya sa trabaho pero ‘yung magaan lang, huh!

Ang nasabing isla rin ang destinasyon ng mag-asawang Anne at Erwan Heussaff after Christmas. Sabit din sa said vacation ang sister ni Erwan na si Solenn Heussaff na gaya nina Anne at Ma­rian ay talbog din sa kaseksihan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with