^

Pang Movies

Gabbi at Ruru nakailag sa hagupit ng bagyo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gabbi at Ruru nakailag sa hagupit ng bagyo

Gabbi Garcia at Ruru Madrid

For sure, labis ang pasasalamat nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid na nakabalik na sila sa Manila mula sa Coron, Palawan, dahil doon hu­ling nag-landfall yesterday morning, December 18, ang typhoon Urduja na kumitil ng maraming buhay sa mga lugar na dinaanan nito, particularly sa Biliran Island.

Nasa Coron, Palawan sina Gabbi at Ruru para sa isang photo shoot ng isang clo­thing line na ini-endorse nila.  Isinabay na nila ang bakasyon at bonding bago mag-Pasko.  Good friends at very close with each other sina Ruru at Gabbi, since more than two years na silang magkasama sa mga project  na ginawa nila sa GMA as a love team. Nag-post sila ng ilang shots doon sa kanilang Instagram account.

Caption ni Ruru: “Making some new memories with this girl.” Paraiso raw ang lugar na pinuntahan nila.

Si Gabbi: “workcation”  “appreciate” “hello again, happy place.”

Back to work na sina Gabbi at Ruru dahil nagsimula na silang mag-taping ng new teleserye nilang Sherlock Jr. kasama sina Janine Gutierrez at si Ms. AiAi delas Alas-Sibayan. Isa ito sa Omnibus Plug ng GMA na napanood noong Sunday sa Paskong Kapuso: GMA Christmas Special, kasama ang apat pang mga bagong tele­serye na mapapanood simula sa first quarter of 2018.

Heart nagpa-X mas party para sa Korean friends

Nag-host na si Heart Evangelista ng Christmas party para sa Korean actors na sina Alexander Lee at Andy Ryu para raw maranasan naman nila kung paano mag-celebrate ang mga Filipino ng Christmas. Nalaman kasi niyang parehong Catholic sina Xander at Andy kaya alam nila kung ano ang meaning ng Christmas. Excited agad si Xander nang malaman niyang mahaba ang celebration ng Christmas sa Pilipinas at gusto nilang maranasan iyon. Sa kanilang bahay ni Senator Chiz Escudero ginawa ang Christmas party, dahil close na ang co-actors niya ng My Korean Jagiya sa kanyang asawa dahil madalas silang pumupunta sa bahay nila since malapit lang ang hotel na tinutuluyan niya.

Medyo may feeling na rin ng separation anxiety sina Heart at ang buong cast ng My Korean Jagiya, dahil ilang weeks na lamang ay tapos na ang taping ng kanilang first Filipino-Korean romantic comedy na nag-shoot sa Korea at ilang lugar dito sa Metro Manila. Nag-enjoy din, especially si Xander dahil nagkasunud-sunod ang mall shows nila kaya nakarating siya sa iba pang lugar sa province. Mukhang hindi na sila makababalik muli ng Korea tulad nang plano, dahil nag-snow na doon at iba na sa setting ng story nang magsimula sila last July.

After ng taping ng romcom, balik na muli si Heart sa pagpi-paint niya dahil may naka-schedule na siyang solo art exhibit next year. May ilan na raw siyang nai-paint na naisisingit niya habang nagti-taping, kaya naiipon na niya iyon. Napapanood ang romcom gabi-gabi pagkatapos ng Kambal Karibal.

Paskong… Maraming Pinaiyak

Ginastusan talaga ng GMA Network ang kanilang Paskong Kapuso: GMA Chirstmas Special na ipinalabas last Sunday, December 17, sa SNBO, after ng Kapuso Mo Jessica Soho. May mga segments na maiiyak ka habang nanonood dahil hindi nga lamang ito basta sing and dance Christmas special, nag-feature pa sila ng ilang segments na personal na pinuntahan ng mga Kapuso stars at nagpasaya sila, personal silang namigay ng mga regalo sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with