^

Pang Movies

Moira nabago ang buhay sa Tibo...

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi makapaniwala si Moira dela Torre na ang winning piece niyang kanta sa Himig Handog na Titibo-tibo ay magta-top one sa Spotify Philippines. Siya rin ang tinanghal na Top Female Artist of 2017. Binansagan din siyang 5th Most Streamed Female Artist sa bansa. Super thankful din si Moira dahil nanatiling No. 1 at 2 sa Billboard Philippines ang kanta niyang Titibo-tibo at Malaya sa latest  top 20 na countdown nito.  

Napanalunan din niya ang Best New Artist sa Aliw Awards ngayong taon.

Tiyak na bigla rin tumaas ang talent fee ni Moira lalo na ngayong pumirma na siya ng kontrata na pinost nito sa kanyang Instagram. Walang binanggit si Moira pero hinala ng mga fans, sa Star Music dahil ito ang official record label ng Himig Handog. 

Nagbunga rin ang pagtitiyaga ni Moira na akala raw niya ay wala nang mararating ang hilig niya sa music. 

Napatunayan ng singer/composer na ang lahat ng bagay ay nasa perfect timing.  

Nagpapasalamat si Moira sa kanyang pamilya at fans na walang sawang sumusuporta na nakikiiyak at kinikilig sa kanyang mga kanta.  Habang buhay daw magpapasalamat si Moira sa kantang Titibo-tibo dahil ipinagkatiwala sa kanya ni Libertine Amistoso na siyang sumulat ng song at nagpabago ng kanyang buhay ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with