^

Pang Movies

Huling araw ng pagiging single, AiAi nag-enjoy sa macho dancer

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Halos maihi sa tawa si AiAi delas Alas sa segment niyang bridal shower sa Sunday PinaSaya kahapon.

Kunwari ay may dancers na invited para sa shower niya. Lumabas ang macho na si Ruru Madrid at ibang lalaki na guwaping din ang dating.

Pero nang finally lumabas si Pekto bilang dancer at sinimulan na niyang gumiling na parang macho dancer, hu­malak­hak talaga si AiAi maging ang ilang girls sa programa.

“Hindi ako makatingin! Hindi ko kaya! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni AiAi sa segment.

Ngayon ang huling araw ng pagiging AiAi delas Alas ng Comedy Queen. Sa Martes, ikakasal na sila ng boyfriend na si Gerald Sibayan. Sabihan mang walang kadala-dala sa pagpapakasal, matibay ang paniniwala ni AiAi na si Gerald na ang kanyang forever, huh!

John Lapus nagpasaring sa mga namamasko

Umaray si John Lapus sa isa niyang post sa Facebook. Wala naman siyang inilabas na detalye pero parang may kinalaman ito sa nanghihingi sa kanya ngayong Disyembre.

Nagpahayag si Sweet na wala siyang regular show ngayon. Kung havey naman siya eh, hindi na siya magdadalawang-isip na bigyan ang humi­hingi sa kanya.

Last year kasi, may festival entry si Sweet, ang Buy Now, Die Later. Pero this year nganga siya sa pelikula at regular TV show.

Madaling lapitan at hingan ng tulong si John. Subok na namin ‘yan dahil basta paldo siya, give lang siya nang give. Hindi naman kasi araw-araw Pasko sa trabaho ang mga artista. Hindi lang naman ‘pag Pasko puwedeng magbigay.

Sa halip na magalit kapag hindi nabigyan, unawain natin si Sweet dahil may pansarili rin siyang pangangailangan na kaila­ngang bigyan ng prayoridad.

Pancho at Max, ikakasal na sa Tagaytay!

Speaking of weddings, nga­ yong araw naman ang kasal ng Kapuso artists na sina Pancho Magno at Max Collins. Sa isang garden sa Tagaytay ang nabalitaan naming venue ng kasal nila.

Ang isa namang nagpatali na sa long time partner niya ay ang aktor na si Wendell Ramos last Saturday, December 9, sa National Shrine of Mary Help sa Parañaque, kay Kukai Guevarra.

Ilan sa sumaksi ng kasalan ay sina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, at manager niyang si Perry Lansingan.

Kaya naman ‘yung ibang artistang live in na, dapat lang silang pakasal dahil hangga’t walang basbas ng simbahan ang pagsasama nila, mananatili silang living in sin, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with