^

Pang Movies

Hiwalayang Sharon-Kiko, super fake!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Hiwalayang Sharon-Kiko, super fake!

Sharon at Kiko

Hindi namin papatulan iyong istoryang hiwalay na si Megastar Sharon Cuneta sa mister na si Senador Kiko Pangilinan. Maaaring sabi­hing may malalang problema, pero hindi hihiwalay si Sharon sa kanyang asawa dahil may mga anak sila. Kung humiwalay man si Sharon noong araw, aba eh napakatindi naman kasi noon eh. Hindi lang namin masabi ang lahat ng nalaman namin, pero si Sharon, hindi iyan ang klaseng basta na lang susuko at makikipaghiwalay.

Ang ikalawang tanong, kung ikaw ba si Kiko Pangilinan, hihiwalay ka kay Sharon? Eh di para kang pumulot ng bato para ipukpok sa sarili mong ulo.

Matagal na kaming nakakarinig ng mga tsismis na kung anu-ano. Marami ring ispekulasyon tungkol doon lalo na nga noong bumiyahe si Sharon patungong abroad nang mag-isa.

Isang dahilan daw ang sobrang pagkalungkot ng Megastar sa pagkamatay ng kaibigan niyang si Willy Cruz. Naalala tuloy namin, 48 years na kami sa showbusiness. Huwag na ninyong itanong kung bakit kailangan naming sabihin iyan.

Basta hindi kami naniniwalang officially ay hiwalay na nga sila.

Social media kinakalaban na rin ang TV

Ang susunod na biktima ng social media ay ang telebisyon. Bakit hindi, hindi ba’t may mga program na nga sa internet na nag­lalabas ng entertainment at news show? Hindi ka na maghihintay ng talk show sa TV, at maging ang kanilang mga newscast, kasi lumalabas na sa social media. Ang nakakalungkot nga lang, nasisira ang mga institusyon at iyan­g social media ay gamit na gamit na rin naman sa mga pralala.

Binobomba kayo ng mga balitang “may kiniki­li­ngan” at “may pinapaboran” nang hindi ninyo nama­malayan. Iyan ay hindi serbisyo sa mama­mayang Pilipino.                                        

Barbie at Derrick may naudlot

Sa December 13 na ang alis nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, kasama si Direk Louie Ignacio for Europe dahil doon nila isu-shoot ang movie nilang Almost A Love Story. Ten days pala silang mag-i-stay doon at babalik sila rito in time sa Christmas.  Parehong excited sina Barbie at Derrick dahil huli pa silang nagkasama sa drama series na Anna Karenina noong 2013.  May mga project na ibibigay sana sa kanila, pero laging hindi natutuloy dahil may conflict.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with