Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dawn pumayag makasama sa bed si Vic!

Vic Sotto

Wala raw problema kay Pauleen

Masaya si Vic Sotto na nakasali na siya ulit sa Metro Manila Film Festival. Official entry for this year’s MMFF ang Meant To Beh kung saan ay kapareha naman niya si Dawn Zulueta.

Sa presscon ng movie held last Tuesday, aminado si Bossing Vic na talagang na-miss niya ang MMFF pati na ang pagsakay sa float.

Natutuwa rin si Bossing na ibang-iba ang pelikula niya ngayon kaysa sa mga nauna niyang ginawa.

“It’s a serious movie na nakakatawa. It’s a change for me, getting out of fantasy and going into reality, it’s a welcome change for me and I don’t regret it, kasi after watching the finished product, I’m very, very proud of it, maganda talaga,” saad ni Bossing.

Dagdag pa niya, gusto na niyang mag-move on mula sa mga fantasy films na nakagisnan sa kanya. This time, ang Meant To Beh ay wala raw special effects at mga magic-magic at talagang reyalidad ng pamilya ang mapapanood.

When asked kung may mga sweet moments or intimate scenes sila pareho, sagot ni Dawn, “ay, ang dami! First shot pa lang, bed scene na” na inayunan naman ni Vic.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“First shooting day pa lang, bed scene agad,” sambit pa ni Bossing.

Hindi naman nagselos ang misis niyang si Pauleen Luna?

“Si Pauleen, artista siya, so wala siyang dapat. . .sanay na ‘yun, wala na ‘yung mga selos-selos na ‘yan. I mean, she understands the ins and outs of the industry,” pahayag pa ni Bossing.

Samantala, kinumpirma rin ni Vic na tuloy na tuloy pa rin ang binyag ng baby nila ni Pauleen na si Talitha on Dec. 10 at hindi naman daw ito naurong komo busy siya sa promo ng Meant To Beh.

Mas meaningful din daw ang Pasko this year dahil nga may bago silang miyembro ng pamilya.

Alice ayaw ng recognition

Nagpasalamat ang anak ni Kuya Germs at Presidente ng Walk of Fame na si Federico Moreno kay Alice Eduardo, CEO ng Sta. Elena Construction.

Sa ika-12 taon ng Walk of Fame sa bansa, masayang sinalubong ng 19 na bagong awardees ang kanilang brass star sa ginanap na induction kamakailan. Kasabay ng selebrasyon ang madamdaming pasasalamat ni Federico sa mga taong patuloy na sumusuporta sa matagal na pangarap ng kanyang ama, partikular nga kay Alice.

Aminado si Federico na may mga pagkakataong hirap na hirap na si Kuya Germs na bubuuin ang Walk of Fame dahil mag-isa nito itong itina­taguyod. Muntik na nga raw itong hindi matuloy.

Ayon pa kay Federico, his father always wanted to give Alice recognition. Lagi lang daw itong tumatanggi pero dekada na itong tumutulong sa industriya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: