^

Pang Movies

?Digong umapir, anak nina Robin at Mariel hindi ginawang Muslim

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagpabinyag ng kanilang anak sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, si Isabella, sa isang simbahang Katoliko, base sa nakita naming pictures ha. Bukod doon ay isinagawa rin ang Aqiqah in accordance naman with the Islam religion.

Sinasabi rin nila na “paglaki” ni Isabella, at saka na lang siya gumawa ng desisyon kung siya ay mananatiling katoliko o hindi. Si Robin kasi ay isang Muslim, at ang mga anak niya kay Liezl Sicangco na dati niyang asawa ay nagpa-convert din sa Islam kagaya ng kanilang ina noon. Pero si Mariel ay nananatiling Katoliko, sa kabila ng sinasabing “pagpapakasal” nila ni Robin na hindi pa rin maliwanag sa amin hanggang ngayon.

Si Robin din naman, sa kabila ng pagsapi niya sa Islam ay patuloy na gumagamit ng kanyang pangalang Kristiyano.

Iyang pagbibinyag sa isang bata, isinasagawa iyan sa paniniwalang ang mga magulang ng bata ay sisikaping palakihin siyang isang mabuting Katoliko. Kung hindi pa sila sigurado kung susunod nga ang kanilang anak sa Islam o saan man, sana hinintay na lang nila ang panahong makagagawa na siya ng sariling desisyon kung anong iglesia ang sasaniban kaysa sa pinabinyagan agad ngayon.

Dumating din si Pangulong Duterte sa nasabing event.

TV show nagpapanggap na number one sa fake ratings!

Sabi nila, malalaman mo talaga kung walang rating ang isang serye lalo na kung naa-out lived siya ng kalaban niyang serye. Ibig sabihin, kung mas una pa siyang tinapos kaysa sa seryeng sinabayan lamang niya.

Dito nga kasi sa Pilipinas, pinipilit na pahabain ang kuwento ng isang serye sa telebisyon lalo na kung mataas pa ang ratings noon. Kung mababa naman ang ratings, natural aalis ang mga advertiser kaya ang gagawin nila ay tatapusin na agad ang kuwento para makapasok ang isang bagong show na siyempre mas may pagkakataong pasukin ng commercials kaysa sa mga show na pabagsak na.

Mayroon namang mga show na kahit na walang kalaban-laban, at ang pagkakataong mapataob ang kalaban ay suntok sa buwan, pinipilit pa rin ng network dahil wala namang ibang mailalaban.

Ayaw na naming magbanggit ng mga TV show, wala naman kaming gustong kalabanin sa sino man sa kanila eh. Ang sinasabi lang namin, kung talagang bagsak ang isang TV show, tanggapin na lang nila iyon nang maluwag sa kanilang kalooban. Hindi iyong nagpipilit pa silang gumawa ng “fake ratings”.

Basta kami, ang sinasabi nga namin, isang survey group ang mas pinaniniwalaan namin kaysa sa iba. Pero kung ang survey group na mas credible ay nakakapareho rin ng resulta noong hindi credible, ano pa nga ba ang iisipin natin? Ibig sabihin talagang tama, swak na swak na ang kanilang survey. Kung sino man ang sinasabi nilang mas mataas ang ratings, totoo na iyon dahil nagkakasundo na sila eh.

Pero iyong magpapalabas pa ng ibang ratings na hindi mo malaman kung saan galing kung mayroon na ngang ganyang sitwasyon, para lang masabing “kami ang tunay na number one”, eh mukhang malabo na nga iyon.

Dating indie aktor hataw sa pagko-call boy

Ang tsismis, isang dating male indie star daw na nagmula rin sa mga bikini contests ang humahataw nang todo ngayon, ka-date ng kung sino man ang magyaya sa kanya. Aywan kung hindi siya natatakot sa tumataas na bilang ng may HIV, may ka-live in pa naman siya at may isa nang anak.

Bakit nga ba hindi na lang sila magtrabaho nang legal?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with