^

Pang Movies

Maris hindi lang sa pagkanta nabiyayaan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Oh ha! Hindi lang pala magaling na singer at composer si Maris Racal dahil nagpakitang gilas ito ng napakahusay na akting sa Maalaala Mo Kaya  (MMK) episode na Casa… na suki na ng palabas, pero first time nagbida last Saturday.

Mabuti na lang kahit risky na tumanggap ng acting assignment ang singer na kagaya ni Maris ay hindi ito nag-atubili kahit mabigat ang role, bagkus ay  pinatunayan niyang may ibubuga siya sa pag-arte.

Hindi lang ang fans ang nagbigay ng positive feedbacks sa singer, maging ang ibang artista at director ay nag-comment sa napakagaling nitong acting. Kahit kasi sa ilang minuto ng kanyang eksena, maraming hugot at emosyon ang pinakawalan ni Maris.

Si Direk Raz dela Torre ay napabilib din at nag-comment na isang brilliant actress si Maris. Maging si Empoy Marquez ay humanga sa malupit na akting niya.

Natuwa ang fans ni Maris na sinasabing sa yapak nina Judy Ann Santos at Maricel Soriano dahil halimaw pagdating sa kanyang pag-akting ang singer.

Request ng fans na bigyan pa ng ibang project si Maris para lalong ma-expose at madagdagan ang raket ng singer na may ibubuga rin sa akting.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with