^

Pang Movies

Miley Cyrus at Liam Hemsworth, anim na buwan nang kasal!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi lang pinalaki

Six months na palang kasal sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth.

Ito ang nilabas na report ng NW magazine na noong April pa raw kinasal ang dalawa sa isang intimate ceremony sa kanilang bahay sa Malibu, California.

It was a very intimate ceremony at their house in Malibu, six months ago. I’m told only a handful of people were there and they’re still the only ones who know,” ayon pa sa source ng NW.

Masyadong naging secretive na sa kanilang relasyon sina Miley at Liam simula noong magkabalikan sila.

Mas gusto raw nilang hindi ma­ging big deal ang kanilang wedding at kung maitatago pa nila ito ng matagal, gagawin daw nila iyon.

Kaya naman pala bigla daw nag-iba ng image si Miley. Mula sa pagi­ging wild party girl na umaawit ng Wrecking Ball bigla itong nagpaka-demure at hindi na nagsusuot ng mga outfits na halos kita ang mga private parts niya.

Kung mapapansin ay panay na dress at skirt na si Miley. At tinigil na rin niya ang magpa-selfie na nakalabas ang dila niya.

Dahil na rin ito sa pagiging true-to-life Mrs. Hemsworth na siya kaya super behaved at good girl na ang image niya.

Venus Raj ayaw maniwalang siya ang nagbukas ng pinto sa mga nanalong Pinay sa international pageants

Ikinatutuwa ni Venus Raj ang sunud-sunod na tagumpay ng Pinay sa mga international beauty pageants. Kabilang na rito sina Winwyn Marquez (Miss Reina Hispanoamericana), Karen Ibasco (Miss Earth), Nelda Ibe (1st runner-up, Miss Global) at Elizabeth Clenci (2nd runner-up, Miss Grand International).

May mga nagsasabi na malaki ang kinalaman ni Venus kaya muling napansin ang ganda at talino ng mga Pinay. Noong 2010 ay nag-place bilang 4th runner-up sa Miss Universe si Venus pagkatapos ng higit na 11 years na hindi nakakapuwesto ang Pilipinas. Huli pa noon ay si Miriam Quiambao na nag-1st runner-up noong 1999.

Pagkatapos nga ng tagumpay ni Venus, nagsunud-sunod na ang pagpasok ng Pilipinas sa Miss Universe bilang runner-up tulad nila Shamcey Supsup (2011, 3rd runner-up); Janine Tugonon (2012, 1st runner-up); Ariella Arida (2013, 3rd runner-up) hanggang sa mapanalunan na ni Pia Wurtzbach ang Miss Universe crown in 2015.

Pero hindi lang sa Miss Universe napapansin ang ganda at talino ng Pinay kundi pati na rin sa iba’t ibang international beauty pageants.

Pero ayon kay Venus, hindi raw dapat sa kanya i-credit ang pagkapanalo ng Pinay sa mga international pageants. May kanya-kanya raw husay at ganda ang mga ito kaya kung magtagumpay man sila, ito ay dahil pinaghirapan nila.

“I am flattered kapag sinasabi nila sa akin na ako raw ang nagsimula ng trend. Kaya napapansin na ulit ang Pilipinas sa mga international pageants.

“Pero sa totoo lang po, hindi po ako. Lahat po tayo may kanya-kanyang ga­ling. Kung ano man ang na-achieve nila, dahil iyon sa pinaghirapan nila iyon.

“Natutuwa ako sa nararating ng mga candidates natin ngayon. Sunud-sunod ang panalo. It only means na tama ang ginagawa nila at deserve nila iyon,” ngiti pa ni Venus.

Muling nagbabalik sa TV hosting si Venus via the travel/business show na Business Flight na nasa ika-3rd season na kung saan co-host niya si Cristina Decena. Eere ito sa GMA NewsTV.

Mikee nalalaliman kay Mikoy

Hindi raw dapat bigyan ng malisya ang magandang pagkakaibigan nila Mikoy Morales at Mikee Quintos.

Magkasama ang dalawa sa telefantasya na Sirkus at mabilis daw silang nagkasundo sa maraming bagay.

Sa sobrang close na raw nila, pati na ang mga emote at hugot nila sa buhay ay nasasabi na nila sa isa’t isa.

“Si Mikoy kasi sobrang lalim na tao ‘yan. Minsan, to the point na ayaw ko mag-deep talk, siya lagi forever gusto mag-deep talk,” diin pa ni Mikee.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with