Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ivan at Denise aliw ang love story

MANILA, Philippines — Bilang pagpapatuloy sa kanilang month-long anniversary, handog ng Magpakailanman ngayong Sabado ang nakakatuwa, nakakakilig at nakaka-iyak na epic love story ng isang Amerikanong sundalo at ng kanyang kasambahay.

Pangungunahan ang episode na pinamagatang My Heart Belongs to You: The Bud and Gloria Brown Story nina Ivan Dorschner bilang Bud at Denise Barbacena bilang Gloria. Makakasama rin sina Patricia Ysmael, Hannah Precillas, Travis KraftRubi Rubi at Jim Pebanco.

Lumaki si Gloria na minamaltrato at nilalait ng kanyang pamilya. Bukod pa rito ay sinasaktan siya kaya nagdesisyong lumayas. Sa Maynila ay nagpapalit-palit siya ng trabaho pero hindi rin naging maganda ang trato ng mga amo niya sa kanya. Kaya nang malamang maraming oportunidad sa Zambales, nagpunta siya roon para mamasukan bilang kasambahay.

Si Bud ay isang Amerikanong sundalo na ipinadala sa Zambales para maging interpreter ng US Navy. Tumira siya sa maliit na bahay malapit sa kanilang base camp pero nahirapan siya sa mga gawaing bahay kaya naghanap siya ng makakatulong. Dito na niya nakilala si Gloria.

Mabait at pasensyoso si Bud kay Gloria. Kahit na mahina ang utak, matiyaga siyang tinuruan nito. At dahil sa magandang loob ni Bud, nahulog si Gloria sa kanya.

Nang bumalik ng Amerika si Bud, nangulila siya kay Gloria at napagtanto niyang mahal na pala niya ito. Pero anong mangyayari kay Gloria na naiwan at walang ideya kung babalikan pa siya ni Bud? Ipaglalaban ba ni Bud ang minamahal sa mga magulang na tutol maging sila? May happy ending ba para sa kanila?

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mula sa direksyon ng award-winning director na si Joel Lamangan, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: