Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Aktres at leading man sa serye na tungkol sa kabit, nagtsutsugian na raw!

Totoo kaya itong na­rinig naming tsika ng ilang tsuffatid na mayroong something na namama­gitan sa isang aktres at kanyang leading man sa TV series? Eh ang nasabing series ay love story, at tipo ng istorya ay ‘yung may mga kabit.

In all fairness, kahit gurang na ang bidang lalaki ay pogi pa rin ito, bukod pa sa makinis, maputi, at mabango. Higit sa lahat matulis daw talaga ang medyo nagkakaedad nang aktor.

Aba! Hindi imposibleng mangyari ito ah, sa tagal ba naman ng airing ng serye at taping nila eh sino ba namang girl ang hindi magwa-water pagdating sa kakisigan ng male star? At sa tipo pa naman ng girl na mukhang ma-elya rin, alam na talaga!

Sabagay, pagdating sa pag-ibig at sex, walang makakahadlang kahit na sino. Ang maganda lang, hindi napapabayaan ng girl ang kanyang trabaho sa harap ng camera.

‘Patatawarin’ bawal muna sana sa Pasko

Naku, ilang tulog na lang at Pasko na. Kaya hindi na magkanda-ugaga ang mga tao dahil sa papalapit na pagsilang sa sabsaban ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang Diyos ay Diyos nating lahat. Iisa lang po ang ating Panginoong Diyos ano pa man ang relihiyon na ating kinabibilangan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maligayang Pasko po sa lahat. This time buksan naman natin ang ating mga puso para sa mga kapus-palad at maging sa mga bagets na kumakatok sa ating mga pintuan. Bigyan na lang natin sila ng kendi o barya at iwasan munang gamitin ang salitang “patatawarin!”

Mano po ninong at ninang!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: