^

Pang Movies

Anak ni Melanie gusto ring maging Winwyn!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

With the recent victory ni Winwyn Marquez na kinoronahang Reina Hispanoamericana 2017 na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia, may dalawang international beauty queens na sa kanyang pamilya si Joey Marquez.

Anak nga kasi ni Joey si Winwyn sa dating wife niyang si Alma Moreno, actress and a dancing queen, for that matter. Nakababatang kapatid naman ni Joey si Melanie Marquez, ang unang Pinay na naging Miss International (circa 79).

Well, may other potential international beauty queen pa rin daw sa pamilya ni Joey. Ito’y ang anak ni Melanie na si Michelle Dee, na ang ama ay ang businessman na si Derek Dee.

Bong magpo-focus sa pagbuhay ng action

Determinado pala, Salve A., si former Senator Bong Revilla na tumulong para i-revive ang action genre sa pelikulang Pilipino.

Naka-inspire, lalo raw sa kanya, ang nabalitaan niyang kasiyahang nadama ng action star/fight director na si Baldo Marro, bago ito binawian ng buhay, nang nakarating kay Baldo ang hangarin niyang bigyang buhay muli ang action films.

“Sana nga, gabayan ako ng Maykapal. And, of course, ni Baldo,” susog pa ni Senator Bong.

Marami ang nagdarasal na sana, bago matapos ang buwan, makalabas sa kanyang detention cell sa PNP (Philippine National Police) si Senator Bong.

‘Pag nagkataon nga kasi, marami ang magdiriwang ng maganda at masaganang Pasko.

Carmina at Zoren ayaw pakialaman ang mga plano ng anak

Duda sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi kung ang kanilang kambal na sina Mavy (for Maverick) and Cassy (Cassandra) ay susundan ang yapak nila sa pag-aartista.

Bagama’t good performers daw ang dalawa dahil marunong din silang kumanta’t sumayaw, mukhang mas interesado sila sa sports.

Both diligent students, nasa business daw ang focus ng dalawa kapag sila ay naging professionals. Eh, sa mag-asawa raw, kung ano ang hilig at gusto ng dalawa, iyon ang susundin nila.

“Anything,” susog pa ni Carmina. “Basta sa ikabubuti nilang dalawa.”

Nasa Kapuso network na si Carmina at malapit nang simulan ang bagong series. May ginagawa na ring teleserye si Zoren sa Kapuso, although wala pang balita kung contract talent na siya ng network o hindi pa.

Huling napanood si Carmina sa Super Ma’am na pinagbibidahan ni Marian Rivera-Dantes. Hindi obviously full-length ang role niya sa nabanggit na teleserye.

Kean at Chynna nagtitinda na rin ng diapers, atbp.

Don’t look now, pero bukod sa pagiging busy nila sa kanilang showbiz careers at sa pagiging new parent sa kanilang isang taong gulang na anak na si Stellar, may negosyo rin ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

May online business sila, ang Una Cares na nagtitinda ng baby products sa website. It’s doing well, ayon pa sa mag-asawa.

Tuwing Saturdays at Sundays, napapanood si Kean bilang isa sa sing-investigators, kasama sina Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Angeline Quinto, Wacky Kiray at Andrew E sa well-viewed reality-game show sa ABS-CBN na I Can See Your Voice hosted by Luis Manzano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with