^

Pang Movies

Pagwawagi sa Miss Earth ni Karen Ibasco, wala raw daya

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil sa pagpanaw ni Isabel Granada, na-overshadow nito ang pana­nalo ng dalawang Pinay sa dalawang international beauty pageants.

Una ay nag-first runner-up sa Miss Global 2017 sa bansang Albania ang ating Philippine representative na si Nelda Ibe. Si Miss Vietnam ang nag-uwi ng korona.

Pangalawa ay ang pagkapanalo ni Miss Philippines Earth Karen Ibasco bilang Miss Earth 2017 na ginanap sa MOA Arena. Tinalo ni Karen si Miss Colombia na waging first runner-up.

Ito ang ikaapat na beses na mapanalunan ng Pilipinas ang Miss Earth title. Unang nag-uwi nito ay si Karla Henry noong 2008 at nasundan ito ng isang back-to-back win from Jamie Herrell at Angelina Ong noong 2014 at 2015.

Sa final Q&A napabilib ni Karen ang mga judge na siya ang karapat-dapat na makoronahan na Miss Earth, kahit na sabihin pa nilang hometown decision ito.

Ito ang sagot ni Karen sa tanong na “What is the biggest enemy of Mother Earth?”

Heto ang kanyang sagot: “I believe that the real problem in this world is not climate change. The real problem is us because of our ignorance and apathy.

“What we have to do is to start changing our ways, to start recalibrating our minds and redirecting our steps because together, as a global community, our micro-efforts will have a macro-effect to help save our home, our planet.”

Ex-husband ni Isabel nagpasalamat sa dating asawa

Nagluksa ang buong showbiz industry sa tuluyang pamamaalam ng former child actress na si Isabel Granada.

Napagdesisyunan na ng pamilya ni Isabel na alisin na ang life support system na siyang bumubuhay na lang sa 41-year-old actress dahil declared brain dead na ito noong October 27 pa.

October 25 noong itakbo sa ospital sa bansang Qatar si Isabel pagkatapos itong bumagsak sa isang event. Na-diagnose na nagka-cardiac arrest si Isabel sanhi ng isang brain hemorrhage at aneurysm o ang pagputok ng isang ugat na malapit sa utak.

Bukod sa Facebook post ng mister ni Isabel na si Arnel Cowley, nagbigay din ang ex-husband nito na si Geryk Aguas ng kanyang pamamaalam sa dating misis at ina ng anak nilang si Hubert:

“Malaki ang naging parte mo sa aking buhay.

“Binigyan mo ako ng isang gwapo’t matalinong anak, makulay ang 14 yrs nating pagsasama.

“Sa lahat… mula sa aking puso’t kaluluwa.. maraming maraming salamat… pahinga ka na… paalam Isa…”

Isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz si Isabel Granada noong pasukin nito ang showbiz noong 1986 sa pamamagitan ng TV commercials at sa TV show na That’s Entertainment.

Unang pelikula ni Isabel ang Magchumikap Ka! kunsaan bida sina Nova Villa, Freddie Webb at ang mga yumao nang sina Rod Navarro at Lita Gutierrez.

Naging suki ng Regal Films si Isabel dahil naging loveteam niya si Chuckie Dreyfus.

Noong 1998, nanalo si Isabel ng one and only acting award niya mula sa FAMAS as best supporting actress para sa pelikulang Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin.

Supermodel na si Kate Upton nagpatali na sa baseball star

Ikinasal na ang supermodel na si Kate Upton sa fiancé nitong si Justin Verlander ng Houston Astros noong nakaraang Sabado sa Italy.

Ilang araw pagkatapos ma­nalo ng Houston Astros sa 2017 World Series, naganap ang wedding nila Justin and Kate sa Rosewood Castiglion Del Basco resort in Tuscany, Italy.

Suot ng 25-year-old supermodel ang isang white dress with lace sleeves. Ang 34-year-old baseball star naman ay suot ang isang dark colored tux with a bow tie.

Naganap ang ceremony sa old medieval church overlooking Montalcino Valley and Vineyards.

Noong May 2016 na-engage sina Kate at Justin. Pero three years silang nag-date bago nag-propose si Justin.

I’m really excited, he asked me right before season started so we’ve been keeping it on the down low for quite a while. So I’m excited to finally be able to share it with the world!” sey ni Kate sa isang interview niya with E!

After ng wedding, ang magiging marital home ng dalawa ay isang Beverly Hills mansion na nagkakahalaga ng $5.25 million. Ang sukat nito ay 5,500-square feet at meron itong five bedrooms, six bathrooms, a pool and a tennis court.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with