^

Pang Movies

Daniel nag-e-effort makita ang Polish GF!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Natuto na raw si Daniel Matsunaga na maging quiet na lang sa kanyang kasalukuyang relationship sa Polish model na si Karolina Pisarek.

Balitang ito ang bagong nagpapangiti kay Daniel kaya ayaw niyang may makabasag ng nararamdaman niya ngayon.

Kaya tuwing tatanungin siya about Karolina, konti lang ang sine-share ni Daniel tungkol rito.

“She is really very, very special, but I prefer our relationship to be very private this time.

“Kasi before, I was very open, then masyadong pinag-usapan ng tao and it affected our relationship.

“I learned so much from my past relationships. So to avoid problems, I just want to maintain our relationship as more quiet, more of a secret na lang between us.

“So if you don’t mind, I prefer not to talk about her na lang para mas tahimik kaysa yung super exposed sa public,” pakiusap pa niya.

Long distance love affair nga meron sina Daniel at Karolina, pero kapag may time ay sinusubukan nilang magkita kung saan man sila puwedeng makarating na lugar.

Busy ngayon si Daniel dahil after ng Spirit of the Glass 2: The Haunted, tinatapos naman niya ang rom-com movie na Fallback with Rhian Ramos and Zanjoe Marudo.

Kasama rin si Daniel sa Meant To Beh nila Vic Sotto at Dawn Zulueta na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2017.

Ken nagpaliwanag sa pagkalimot kay Kuya Germs

Pinatunayan ni Ken Chan na hindi niya nakalimutan ang kanyang mentor-discoverer na si German “Kuya Germs” Moreno noong nakaraang All Souls’ Day.

Dinalaw ng bida ng pelikulang This Time I’ll Be ang puntod ng kanyang tatay-tatayan sa Loyola Memorial Park, Marikina City, noong November 2.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Ken na nami-miss niya ang yumaong Master Showman.

Napulaan kasi si Ken dahil nakalimutan daw nito ang nakaraang birthday ni Kuya Germs noong nakaraang October 4. Nagkaroon daw ng maliit na salu-salo sa bahay ni Kuya Germs, pero wala ni isa raw na discovery ni Kuya Germs ang dumating.

Pero nilinaw iyon ni Ken na alam niya ang tungkol sa celebration na iyon, pero naipit daw siya sa isang taping.

“Out of town po ‘yung taping. Akala ko maagang matatapos. Pero na-delay kami. Kaya inumaga na kami ma-packup.

“Tumawag naman ako sa mga nag-organize ng party at nag-sorry na ‘di na ako makakarating dahil hindi pa kami tapos sa taping.

“I’m sure naman, maiintindihan iyon ni tatay kasi trabaho iyon at gusto niyang i-prioritize namin iyon,” pagtapos pa ni Ken Chan.

Dahil sa kamanyakan, Hollywood actor na si Kevin Spacey babu na sa series

Dahil sa ilang allegations ng sexual misconduct ng Hollywood actor na si Kevin Spacey, naglabas na ng isang formal announcement ang producer ng kanyang series na House Of Cards na Netflix.

Ayon sa statement, pinuputol na ng Netflix ang anumang professional relationship nila sa aktor pagkatapos ng mga lumabas na sari-saring istorya ng kanyang ‘di katanggap-tanggap na behavior ng aktor.

“Netflix will not be involved with any further production of House of Cards that includes Kevin Spacey.

“We will continue to work with MRC during this hiatus time to evaluate our path forward as it relates to the show.

“We have also decided we will not be moving forward with the release of the film Gore, which was in post-production, starring and produced by Kevin Spacey.”

Nagpadala ang Netflix at Media Rights Capital ng mga executive sa shooting ng series na House of Cards sa Baltimore, Maryland para i-assure ang cast and crew na mapoprotektahan sila pagkatapos ng mga lumabas na kuwento tungkol kay Spacey.

Sa ngayon daw ay suspended muna ang shoot ng sixth and final season ng House of Cards.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with