^

Pang Movies

Ivan sabit sa Japan trip ng JaDine!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kasama si Ivan Dorschner sa Japan trip nina Nadine Lustre at James Reid.

Best of friends sina James at Ivan mula pa noong sumali sila sa Pinoy Big Brother at hanggang nga­yon, solid na solid ang friendship nila.

Si James ang kumumbinsi kay Ivan na umuwi sa Pilipinas mula sa Amerika para subukan uli ang kapalaran niya sa showbiz.

Hindi nagkamali si Ivan sa pakikinig sa mga payo ni James dahil naging active siya sa showbiz at pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Ipinagdiwang ni Nadine sa Japan ang kanyang 24th birthday, kasama ang pamilya niya at ang mga close friend nila ni James, gaya ni Ivan.

Nadine binati ng dating partner

May birthday message para kay Nadine si AJ Muhlach, ang kanyang dating ka-loveteam sa mga programa noon ng TV5.

Witness si AJ sa mga pinagdaanan ni Nadine bago ito naging star kaya maligayang-maligaya siya sa lahat ng mga magagandang nangyayari ngayon sa career ng girlfriend ni James.

“Hi Nadine, happy birthday! Sana magpatuloy pa ‘yung blessings mo. Just do your best sa lahat nang magiging work at projects mo. I know naman na kaya mo ‘yan and mag-enjoy ka ngayong birthday mo, ‘yan ang pinaka-importante na masaya ka ngayong birthday mo,” ang mensahe na ipinara­ting ni AJ sa ex-partner niya.

Tulad ni Nadine, may karelasyon na rin si AJ, isang aspiring actress at matagal na ang kanilang love affair. Sa lahat ng mga Muhlach, si AJ ang hindi natin nababalitaan na playboy dahil ang sabi niya, one-woman-man siya.

Willie may ‘niluluto’ sa kanyang rest house

Nag-advance taping si Willie Revillame para sa Wowowin kaya matagal-tagal ang pagbabakasyon niya sa kanyang sos­yal na rest house sa Tagaytay City.

May kutob ako na may brain­storming na nangyayari sa Tagaytay dahil kum­pirmado naman ang balita na ire-reformat ni Willie ang top-rating game show niya sa GMA 7.

Ganyan naman si Willie, palaging may fresh ideas dahil gusto niya, may mga bago na mapapanood sa kanyang show ang milyun-milyong viewers ng Wowowin.

Sa Linggo pa ang luwas ni Willie sa Quezon City at sa kanyang pagbabalik, sure na sure na may mga pagbabago na magaganap sa Wowowin.

Winwyn nanakit ang ulo sa pictorial!

Angat na angat si Winwyn Marquez sa swimsuit pictorial ng mga kandidata ng Reina Hispanicoamericana 2017.

Bukod sa kanyang Filipina beauty, napapansin si Winywyn sa beauty pageant na sinalihan niya dahil bibang-biba siya.

Gold ang kulay ng mga swimsuit na ipinasuot sa mga kandidata kaya naging magkakamukha na sila, lalo na ang mga Latina beauty na kalaban ni Winwyn.

Para maiba, ginamit ni Winwyn ang “masakit ang ulo pose” sa pictorial nila. Ito ang pose na nakahawak sa ulo at beywang ang kanyang mga kamay kaya stand out siya.

Sa November 4 ang coronation night ng Reina Hispanicoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia at dahil magkaiba ang oras, November 5 at alas-diyes nang umaga sa Pilipinas ang final show ng beauty pageant na nilahukan ni Winwyn.

Hindi tiyak kung may television coverage ang grand coronation night ng  Reina Hispanicoamericana  pero sure na mapapanood ito sa Internet.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with