^

Pang Movies

Angelica tinawag na asshole sa paniningit sa pila sa immigration!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Angelica tinawag na asshole sa paniningit sa pila sa immigration!

Angelica Panganiban

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang reaction si Angelica Panganiban sa kanyang social media account tungkol sa kumalat na post ng isang JC Valenzuela na obviously ay nabiktima ng kanilang paniningit nina Jing Monis at Juan Sarte na parehong kilalang magagaling na hairstylist and make-up artist sa pila sa Immigration kahapon.

Nakatikim ng matinding pang-iimbyerna ang tatlo sa ginawa nila.

Hindi nga naman biro ang pumila sa Immigration lalo na nga kung maraming tao tapos ay uunahan ka lang.

Nagliliyab ang inis ni Mr. Valenzuela sa kanyang nag-trending na post sa Facebook.

Sinasabing lumipad pa-Taiwan sina Angelica at dalawang kilalang hairstylist and make-up artist. “You know why the Philippines is poor? It’s because local hairstylists like Jing Monis, Juan Sarte, and ‘celebrity’ Angelica Panganiban cuts the line in immigration. Good human behavior is free. Assholes,” sabi ni Mr. Valenzuela.

Bukod dun tinawag pa silang makakapal ang mukha at pakiramdam daw nila ay mas mataas sila.

Well, sa panahon talaga ngayon, wala nang puwedeng makalampas lalo na kung ang gumawa ay may pangalan.

Cogie pumalag sa pagkakahuli, na-set up lang daw siya!

May mga naniniwala at hindi sa paha­yag kahapon ng actor na si Cogie Domingo na na-set up lang daw siya sa buy bust operation kasama ang kanyang misis. Sabi niya sa presscon ng PDEA Calabarzon kahapon na nagdi-dinner lang naman sila kaya nagulat siya nang bigla na lang may mga pulis.

“I believe na set up lang ako. Wala akong alam tungkol dun sa drugs. I’m not on drugs,” ang eksaktong pahayag ng actor sa naturang presscon.

“Kumakain lang kami ng dinner tapos nagkaroon ng mga pulis at hulihan. Nagulat lang kami sa nangyari. Kumakain lang kami, hindi ko alam yung evidence laban sa akin.

Ang amang abogado ni Cogie ang dumidepensa sa kanya sa nasabing kaso matapos nga diumano itong maaktuhan na bumibili ng shabu sa isang lugar sa Parañaque. Ayon sa ama ng actor, hindi nagdo-droga ang anak niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with