^

Pang Movies

Dennis naispatan sa family day ng anak ni Jennylyn!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Time out muna sa showbiz commitment si Jennylyn Mercado kahapon at nag-mommy duties as she attended her son’s Family Day in school held at Timberland Heights.

Ayon nga sa tsika ng entertainment editor namin dito sa Pang-Masa na si Salve Asis who’s also there for her daughter naman, Jen bought 10 tickets kaya sampu silang lahat na nagpunta sa nasabing event at kasama na rito ang father ng aktres na si daddy Noli Pineda.

Namataan din ni Salve ang boyfriend ni Jen na si Dennis Trillo.

But in all fairness to Jen, talagang makikita mo sa kanya na kahit gaano siya ka-busy, ang priority niya talaga ay ang kanyang unico hijo. She always finds time for Jazz lalo na sa mga affair nito sa school.

Samantala, excited na ang fans ni Jen sa bagong movie ng aktres, ang All of You with Derek Ramsay na official entry to this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF).

Inilabas na ng Quantum Films ang first teaser ng movie at positibo naman ang reviews ng netizens.

Sa teaser ay makikitang kakaibang-kakaiba ito sa hit movie na English Only, Please in 2014 na unang pinagsamahan nina Jen at Derek. Pero naroroon pa rin ang malakas na chemistry nila. And yes, mukhang hotter and sexier dito ang dalawa dahil sa dulo ay may patikim na love making scene sila.

Matatandaang humakot ng awards ang EOP at naging blockbuster din sa takilya. Sa pelikulang ito ay nakamit ni Jen ang kanyang kauna-unahang Best Actress award. Na nasundan pa the following year (2015) para naman sa pelikulang #WalangForever with Jericho Rosales. Both movies were under the helm of direk Dan Villegas na direktor din nila ngayon sa All of You.

Pagkatapos nito ay namahinga si Jen sa MMFF at ngayon lang ulit siya sasali. Maulit kayang muli ngayon ang victory niya noong 2014 and 2015? Well, hopefully since it’s the same production team naman.

Kamakailan ay kinilala rin si Jen sa 7th EdukCircle Award at binigyan ng parangal bilang Most Influential Film Actress of The Year para sa pelikula nila ni John Lloyd na Just The 3 of Us.

Sunshine nagluluksa

Nagluluksa si Sunshine Dizon sa pagpanaw ng itinuturing niyang tatay sa showbiz na si Baldo Marro. Sumakabilang-buhay ang action star/film director/stunt director kahapon ng madaling araw sa edad na 69.

Si Baldo ay nakilala bilang action star noong dekada 80 at isa sa pinaka-tumatak sa tao ay ang pelikula niya na Patrolman kung saan siya nanalong Best Actor at Best Director.

Siya ang kasalukuyang stunt director ng Ika-6 na Utos na pinagbibidahan nina  Sunshine at Gabby Concepcion na umeere ngayon sa GMA 7.

Kahapon ay nag-post si Sunshine ng isang napakamaramdaming tribute para kay Baldo sa kanyang Instagram account at inalala ang una nilang pagsasama sa Patrolman when she was a child actress.

 “Tay I only regret that na di kita nabisita nung nasa ospital ka kala po kasi naming lahat nag papalakas na lang po kayo. Salamat po sa lahat ng di malilimutang mga eksena ginawa mo para samin. Salamat at mapalad din po ako na i can call you Tatay. We love you tay and we will surely miss you,” bahagi ng mahabang post ni Sunshine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with