Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pag-iyak ni Coco hindi nagaya si FPJ!

MANILA, Philippines — Maselan ang eksenang kinunan sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano nang magkita sina Coco Martin at Yassi Pressman nang hindi inaasahan.

Hindi makapaniwala ang mga tagahanga ni Coco na nagpakadramatiko ito at hindi napigilang hindi mapaluha. Halos sabay-sabay pumalakpak ang mga taong nakapaligid sa taping ng eksenang iyon. Subalit sa kabila ng paghanga, may ilang komento na nagsasa­bing kahit kailan ay hindi tumulo ang luha ni late Fernando Poe, Jr. na tinutularang maigi ni Coco.

Anyway, may kani-kaniyang style ang mga artista. Hindi rin puwedeng punahin at pulaan ang pagluha ni Coco dahil sadyang mababaw ang luha ng actor pagdating sa malulungkot na eksena.

‘Di lang sa Hollywood bago sumikat, mga artista dumadanas ng kababalaghan!

Talaga nga yatang hindi uso ang pagtanaw ng utang na loob sa showbiz maging sa Hollywood. Maraming aktres ang naiyak tungkol sa pang-aabuso ng isang Hollywood executive na nagbigay ng break sa kanila para sumikat at magkapangalan. Ibinida nilang inaya ang mga ito na makipag-date ng naturang Hollywood mogul at kumpisal pa ng mga aktres, nakaramdam sila ng pang-aabuso sa mga kamay nito.

Kung tutuusin ay hindi na sila dapat magkuwento pa ng mga ganito dahil pumayag sila sa kondisyones noong pinasikat sila at pinayaman. Tapos ngayong nalalaos na sila ay bigla silang nagkukuwento ng mga bagay na dapat ay isapribado na lang at huwag gawing animo’y isdang binibida sa mga telebisyon at pahayagan.

Sa totoo lang, hindi na bago ito dahil maraming kababalag­hang nagaganap sa isang artista bago sumikat. Nakakalungkot po pero ‘yan ang katotohanan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Rhene bumagay sa Drug Lord

Malapit nang mapanood muli sa screen ang dating action star na si Rhene Imperial sa pelikulang Drug Lord directed by William Mayo. Nakumbinse ang actor na muling gumawa ng movie dahil bagay sa kanya ang role bilang drug lord.

May nasagap nga pala kaming balita na baka mapabilang si Rhene sa bagong yugto ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil magtatapos na ang serye. Kasalukuyang napapanood sa serye sina Lito Lapid at Mark Lapid.

Roger Calvin, balikbayan na

Parang hindi makapaniwala ang dating actor na si Roger Calvin na tumaba ng husto si Divina Valencia na katambal niya noon sa pelikulang Kwatang.

Niyaya ni Divina si Roger na dumalo sa birthday celebration ni katotong Boy Villasanta. Sabik na sabik si Roger sa kwentong showbiz dahil matagal siyang nanirahan sa States. May anak siyang doktora.

Tiyak na magiging abala si Divina sa nalalapit na birthday ni Roger sa November 9.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: