Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sinon naka-1m na sa kakarampa na naka-heels!

May rason para mag-celebrate ang King of Catwalk na si Sinon Loresca dahil na-achieve na niya ang magkaroon ng 1 million followers sa Facebook.

Ito ang binalita ni Sinon sa kanyang Instagram account.

“My Facebook Page has Reached ONE MILLION FOLLOWERS  maraming salamat po sa walang sawang pag suporta saakin! Kayo po ang inspirasyon ko  #facebookpage #sinonloresca #OneMillionFollowers”

Hindi lang mga Pinoy ang nagkakagusto sa mga ina-upload nitong mga pagrampa niya na suot ang kanyang ten-inch heels, kundi pati mga foreigners at international celebrities ay kinaaaliwan ang pagrampa ni Sinon.

Wala ngang pinipiling lugar si Sinon na rarampahan. Mapa-basketball court, gym, kalsada, palengke, beach at kahit na sa ibang bansa ay dinala niya ang kanyang pamosong catwalk.

Dahil din sa kanyang pagrampa ay naiimbitahn si Sinon sa iba’t ibang mga lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa para mag-fashion show at mag-host ng mga events.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mapapanood din si Sinon sa mga shows na Eat Bulaga at Impostora.

Ruby nakaraos ng 20 years sa mister

Nakakatuwa naman na umabot na ng 20 years ang pagsasama ng Eat Bulaga Dabarkads na si Ruby Rodriguez sa kanyang mister na si Mark Aquino.

Noong nakaraang October 20 ay nag-celebrate sila ng kanilang 20th anniversary.

Nag-share sila Ruby at Mark sa kani-kanilang Instagram accounts ng kanilang masayang pagsasama for two decades.

“20 years ago and 200lbs later I said I do to this man @markino1029. It has been a roller coaster ride with its ups, downs, twists and turns. Like any ride its exciting and nerve racking. With 2 wonderdul gifts from God, my 2 little rascals how can I complain. The source of my perseverance and joy. Ok so we start on another Viper ride, but this time the turns are more jaw dropping, exciting, palpitating and unbelievable! No matter u will be with me on this ride. God Bless us both! I love you hon..... honeymal Happy Anniversary #godbewithus #mayourdreamscometrue #todayisthestartofsomethinggreat #payatakodito,” caption pa ni Ruby.

Post naman ni Mark: “Thank you @rodriguezruby and Thank God, To God Always Be The Glory!!! HAPPY 20th ANNIVERSARY!!!!”

Dalawa ang naging anak nila Ruby at Mark at nangako sila na through thick and thin ay hinding-hindi sila maghihiwalay.

Prince Harry at Hollywood actress amoy kasalan na

Marami na raw signs na matutuloy ang pag-iisang dibdib nila Prince Harry at ng American actress na si Meghan Markle.

Kahit na wala pang nakikitang engagement ring sa daliri ni Meghan, marami na raw sa mga ginagawa nila ang senyales na magkakaroon na ulit ng Royal Wedding.

Ayon sa E! News: “While Meghan may not be wearing a ring or a formal engagement announced, it’s fair to say they’re as good as engaged now.

“They’ve spoken about their marriage plans openly with each other and friends and family around them are pretty much thinking about wedding attire already!”

Ito raw ang tatlong big tell-tale signs na malapit nang mag-exchange ng ‘I Do’ ang dalawa.

Unang-una ay may sariling chauffeur na si Meghan na in-assign ni Prince Harry.

Sa British Royal Family daw, ang magkaroon ng sariling sasakyan na may chauffeur ay parang isang engagement ring. Ilang beses na raw nakita si Meghan na sumasakay at lumalabas sa isang chauffeured black Volkswagen Golf.

Second sign ay ang meron ng wedding dress designer.

Balitang-balita na ang designer na si Giles Deacon ang gagawa ng wedding dress ni Meghan.

Ilang beses na rin daw silang nakitang magkasama at nag-uusap.

Third sign ay ang pag-iwan ni Meghan sa TV series niya na Suits.

Hindi na raw babalik para sa new season ng legal drama na Suits si Markle. Ginagampanan niya ang role na Rachel Zane.

Ayon sa isang source, kapag nag-wrap up na ang series sa November, lilipad na agad si Meghan to London kasama ang kanyang ina.

May mga nauna na raw ipadala to London na boxes of personal effects si Meghan. At mukhang doon na siya titira sa rami ng pinauna niyang mga boxes.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: