^

Pang Movies

Daniel at Erich ‘di nagkikita kahit magkapitbahay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nilinaw ng isa sa bida ng horror film na Spirit of the Glass 2: The Haunted na si Daniel Matsunaga na hindi siya lumipat ng bahay kung saan kapitbahay ang ex-girlfriend niyang si Erich Gonzales.

Bakit naman daw siya aalis, eh sa kanya raw ang bahay na iyon?

Pinagdiinan pa ng Brazilian-Japanese model-turned-actor na dahil sa sipag niya ay nagawa niyang mapatayo ang bahay na iyon.

“That’s my dream house. I worked so hard to earn my own money and build that house. It’s my blood, sweat and tears.

“I’ve been here in the Philippines for almost eight years and lahat ng kinita ko ay inipon ko para magawa ko ang dream house ko,” diin pa niya.

Patuloy ngang kinuwestiyon ng marami ang naging reputasyon ni Daniel tungkol sa pera na naging issue raw kung bakit sila naghiwalay ni Erich.

Pero nginingitian na lang ito ni Daniel at kung may duda raw ang iba sa kanya, may mga maipapakita naman daw siyang mga pruweba.

“If people questions me about my house, I have all the papers and the receipts to prove na akin iyon and it’s my own money kaya may bahay ako.

“People can say all they want about me, pero mas kilala ko ang sarili ko. And there are people who can say that I worked so hard to achieve whatever I have now,” depensa pa ni Daniel.

Never daw silang nagkikita ni Erich sa neighborhood na iyon kahit na magkalapit lang ang bahay nila.

“I really don’t know because busy tayo parati. I guess she’s also busy.

“It’s God’s way na siguro na hindi kami magkita sa neighborhood,” diin pa niya.

Inamin ni Daniel na may idine-date siya ngayon at hindi ito taga-showbiz. Nilinaw niya na hindi totoo na ayaw na niyang mag-date ng mga artista dahil sa mga nangyari.

“I have no preference. Kahit na showbiz ulit, it’s fine. Wala naman akong trauma sa artista.

“The girl I am dating right now is not from showbiz. And she’s not Filipina. We’re getting to know each other well for now.”

Kung papasok daw ulit sa isang seryosong relasyon si Daniel, sisiguraduhin niya na ang babaeng iyon ang magiging huli at siya na ang magiging wife niya.

Uge gustong iparanas sa bf ang pasko

Isa si Eugene Domingo sa magiging bridesmaids ni AiAi delas Alas sa magiging wedding nito sa December.

Naikuwento ng host ng Celebrity Bluff at Dear Uge ang isang pag-uusap nila ni AiAi na sa hinaba-haba raw ng paghahanap nila ng tamang partner sa buhay, natagpuan din daw nila ang mga ito sa wakas.

“God is so good talaga. Imagine, pareho pa kami ni AiAi na nagkaroon ng lovelife. Nauna nga lang siya at masaya ako para sa kanya talaga.

“Noong mga panahon na ginagawa namin ‘yung Tanging Ina, pareho kaming single pa sa buhay at minsan tinanong din namin sa isa’t isa kung kailan namin matatagpuan ang tamang tao na iyon para sa amin?

“Nakakagulat lang dahil nandito na sila ngayon sa buhay namin. Inamin ko naman before na noon give up na ako. Akala ko wala na talaga. Pero may ibang plano talaga si Lord sa ating lahat.

“Yang nangyari kay AiAi, happy ako for her kasi alam ko ang mga pinagdaanan niyang hirap at sakripisyo para sa mga anak niya. And she deserves this kind of happiness sa buhay niya,” ngiti pa ni Uge.

Bagama’t maaga pa, nagpasabi na si Uge na sa Italy siya magpa-Pasko kasama ang boyfriend na si Danilo Bottoni. Bale second time na niyang mag-Christmas doon kasama ang pamilya ng Italian boyfriend niya.

“Gusto ko rin naman na ma-experience ni Danilo ang Pasko sa atin. Wala kasing tatalo sa Pasko natin, eh.

“God willing, dito naman siya mag-Pasko sa 2018,” pagtatapos pa ni Eugene Domingo.

Hollywood executive Harvey Weinstein nilayasan na ng asawa

Pagtapos sumabog sa Hollywood ang sexual misconduct ng Hollywood studio executive na si Harvey Weinstein, nagdesisyon ang asawa nito, ang fashion designer na si Georgina Chapman, na iwan na siya dahil sa mga nadiskubre niyang mga pinaggagawa ng kanyang mister sa mga babae.

Hindi raw maatim ni Chapman na kabilang sa mga babaeng pinagtangkaan ng estranged husband niya ay mga naging kliyente ng fashion brand niya na Marchesa.

Ngayon, Georgina refused to speak to Harvey at naghahanap daw ito ngayon ng mahusay na divorce lawyer.

“Georgina and Harvey are not speaking. She doesn’t want to speak to him, but she talks to his daughter Remy so that’s where she gets any necessary updates,” ayon sa Us Weekly.

Noong October 10 in-announce ni Chapman na iiwan na niya ang kanyang husband of 10 years kung kanino meron siyang dalawang anak.

Ipinagtanggol pa ng 41-year-old British designer ang kanyang mister noong unang lumabas ang issue about sexual harassment. Pero hindi nagtagal ay nalaman na niya ang kuwento ng ibang actresses. Takot lang daw silang magsabi sa kanya at baka masira ang pagsasama nila.

Sa isang interview ni Weinstein with Us Weekly, nag-usap pa raw sila ni Georgina kung bakit ito nakipaghiwalay sa kanya.

“We discussed the possibility of a separation and I encouraged her to do what was in her heart. In the end, she made the decision to separate. I understand, I love her and I love our children and hopefully, when I am better, I will be in their lives again. I support her decision, I am in counseling and perhaps, when I am better, we can rebuild.”

Kabilang sa mga actresses na pinagtangkaan na i-harass ni Weinstein sina Angelina Jolie, Gwyneth Paltrow, Ashley Judd, Mira Sorvino, Rosanna Arquette, Rose McGowan at ang supermodel na si Cara Delevingne.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with