Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Show nina Toni at John Lloyd hindi titigbakin

Itinatanggi ni Ogie Diaz, komed­yante, radio host at talent manager nina Liza Soberano at Aiko Melendez, among ­others, na mawawala na sa himpapawid ang sikat na sitcom na Home Sweetie Home, na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Well, Ogie should know dahil regular member of the cast siya ng nasabing sitcom.

Binanggit niya that they have a number of episodes na naka-bangko, kumbaga. Kaya ang alam daw niyang resumption ng kanilang taping ay sa October 27 pa.

Of the current controversy invol­ving John Lloyd tumanggi si Ogie na mag-comment. Kahit about Ellen Adarna, ayaw niyang magbanggit ng kahit ano. Personal and otherwise.

Gumaganap si Ellen bilang sexy sec­re­tary ni Ogie sa recruitment agency na kanyang pag-aari kung saan nagtatrabaho si John Lloyd bilang si Romeo.

“All I know,” Ogie said, when pressured to comment about John Lloyd and Ellen, “is that, mababait silang tao.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Both are professional din.

“Naniniwala rin ako that in time, ang kung anumang controversy na kinasasangkutan nila sa kasalukuyan, lilipas ito at lilipas din.”

Meanwhile, happy raw siya dahil sa assurance sa kanilang lahat na involved sa Home Sweetie Home, they, the cast, production staff and crew ng management, na walang ‘sibakang’ magaganap, they can all look forward sa masaya at masaganang Pasko at masaganang Bagong Taon.

Ronaldo inspirado sa ginawang movie

Mababa raw ang luha ng showbiz icon na si Ronaldo Valdez.

Kaya lahat daw ng eksena sa kanyang currently showing movie, Seven Sundays, tunay na luha ang tumutulo sa kanyang mga mata.

He had a wonderful time raw doing Seven Sundays. Napakagaling at mahusay na direktor daw si Direk Cathy Garcia-Molina, na first time niyang makatrabaho.

Inspiring daw na makatrabaho sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil at Cristine Reyes, na gumaganap na kanyang mga anak sa pelikula. Not only are they excellent performers, kung hindi mababait at professional pa.

Now 69 years old, Ronaldo has been in showbiz for nearly four decades. It was the late Dolphy who discovered him and gave him his first biggest break as leading man to Susan Roces in Kaming Taga Ilog.

Married to Baby (Marife) Ilagan, younger sister ng dating Sampaguita Pictures actress, si Liber­ty Ilagan, dalawa ang kanilang anak, sina Janno Gibbs, yes, the singer-comedian and Melissa.

He and Baby are now, grandparents to four kids na pawang mga babae.

Kakai manhid na sa pambu-bully

Naging victim daw ng bullying si Kakai Bautista. And for a time raw, dinaramdam niya at iniiyakan ito, lalo’t kung masyadong personal for comfort daw ang ibinu-bully sa kanya.

Aminado raw siya na truth hurts.

But now daw that God continues na i-shower siya with good luck, she now considers daw ang mga pambu-bully sa kanya as one of those… wika nga.

Mantakin mo nga naman, sunud-sunod ang showing ng mga pelikulang kasama siya sa cast. She was with Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin, at Marco Gallo in Loving In Tandem.

She is too, in the currently showing such admired movie, Seven Sundays.

Kasama rin siya sa malapit nang ipalabas na Ghost Bride,  which has Kim Chiu playing the title role and with Chito Roño directing.

“Kaya, what more can I ask for? God is good to me and my family. And that’s what counts,” susog pa ni Kakai.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: