Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mark ‘di makakasuporta, Winwyn panlaban ang exotic na hitsura

Nagulat ang mga reporter na nag-cover sa contract signing ni Winwyn Marquez sa Regal Entertainment Inc. dahil beauty queen na beauty queen na ang aura niya.

Kumbinsido ang entertainment writers na gagawa ng ingay si Winywn sa Reina Hispanoamericana sa November 4 dahil sa kanyang intelligence at exotic beauty.

‘Yun nga lang, hindi raw makakasama sa Bolivia si Mark Herras dahil magiging busy ito sa taping ng bagong soap niya sa GMA 7. Nangga­ling ang information mula kay Winwyn na naiintindihan ang pasya ng boyfriend niya.

Ready na si Winwyn sa nalalapit na laban niya sa Santa Cruz, Bolivia. Ayaw ni Winwyn na puwersahin ang sarili na matuto ng Spanish language dahil gusto niya na maging natural ang performance niya. Puwede raw naman na gumamit siya ng interpreter sa mga interbyu at question and answer portion.

Alex pumayag na walang TF

Kasosyo si Alessandra de Rossi sa 12 kaya naglalambing siya sa lahat na suportahan ang pelikula nila ni Ivan Padilla.

Ang ibig sabihin, walang talent fee si Alessandra sa pelikula na siya rin ang sumulat ng kuwento.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Si Alessandra din ang pumili kay Ivan para maging leading man. Bilib na bilib si Alessandra kay Ivan dahil umapir ito sa mga Hollywood television series na CSI at Dexter bago nag-decide na umuwi sa Pilipinas at subukan ang kapalaran niya sa local showbiz.

Take note, hindi lang co-producer, artista at writer ng kuwento ng 12 ang role ni Alessandra dahil siya rin ang sumulat ng theme song ng pelikula ni Ivan na showing sa mga sinehan sa November 8. Ang boyfriend ni Alessandra na si Marc Abaya ang arranger ng theme song.

Daniel nahuhumaling sa non-showbiz girl

Naniniwala ako na naka-move on na si Daniel Matsunaga mula sa break up nila ni Erich Gonzales.

Nakakapagkuwento na si Daniel tungkol sa nakaraan nila ni Erich, kahit hindi niya sinasabi ang ugat ng kanilang well-publicized break up.

Actually, marami ang natuwa nang maghiwalay ang dalawa, lalo na ang mga babae na matagal nang pinagpapantasyahan si Daniel.

Pero sorry na lang girls, dahil may idine-date nang iba si Daniel, isang girl na walang koneksyon sa showbiz kaya hindi napapabalita ang kanilang madalas na paglabas.

Dalawang beses nang nagkaroon ng girlfriend na artista si Daniel, sina Heart Evangelista at Erich pero nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Mas tahimik yata ang lovelife ni Daniel kung walang kinalaman sa showbiz ang mga nagiging karelasyon niya.

Tatlong pelikula ang ginagawa ni Daniel, ang Meant To Beh, Spirit of the Glass 2: The Haunted at isang project na kasama niya si Zanjoe Marudo.

Kahit nawalan ng girlfriend si Daniel, maganda ang takbo ng ac­ting career niya kaya wala siyang time na mag-emote.

Imposible na walang magkagusto kay Daniel dahil guwapo siya at mukhang responsible na binata. Hindi natin siya nababalitaan na nasasangkot sa mga katsipan na isyu bilang pinahahalagahan niya ang kanyang privacy.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: