Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Alex ayaw pa ring magpakananay

Pagkatapos ng malaking tagumpay ng Kita Kita, ayon kay Alessandra de Rossi ay wala namang nagbago sa kanya, especially bilang aktres. Kung gaano raw siya ka-choosy noon, ganu’n pa rin naman daw hanggang ngayon.

“Hindi magbabago sa akin ‘yung ganu’n,” sabi ni Alex kahapon sa presscon ng bago niyang movie na 12.

Kung ayaw daw niya noon na maging nanay ng 18 years old, ganu’n pa rin naman daw ngayon.

“Ayoko ng ganyang project, ayokong maging nanay ng 18 years old, hindi bagay sa akin, mga after 5 years, tanungin n’yo ako, baka papayag na ako. Sa ngayon, hindi talaga pwede.

“Parang ganu’n lang siya. Kung ano ako before, ‘yun pa rin ako hanggang ngayon.”

Hindi rin daw niya nararamdaman ang pagi­ging box-office star pero ngayon, at least daw ay kinukuha na siyang bida kahit wala siyang malaking fan base tulad ng ibang artista dahil napatunayan ng Kita Kita na ang talagang mas mahalaga ngayon ay ang kuwento ng pelikula.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Of course, mas marami na nagpapa-picture sa akin ngayon kaysa nung dati. Kung dati, tatlo lang, ngayon 20 na. Pero hindi naman ako masyadong lumalabas ng bahay, so hindi ko nararamdaman,” natatawa niyang sabi.

Ang pelikulang 12 ay iba raw kaysa sa Kita Kita kaya huwag daw sanang pagkumparahin ang dalawang pelikula.

“Number 1, hindi sila magkapareho. Number 2, hindi ito comedy, number 3, hindi siya para sa bata. So, hindi siya talaga parang Kita Kita. So unfair naman na i-pressure ko ‘yung sarili ko na dapat same or. . “ sey ni Alex.

Kaya nga aniya, sana raw ay huwag mag-expect ang mga tao especially ang producer (Viva Films) na magiging tulad ito ng success ng Kita Kita.

“Hindi ito Kita Kita, this is 12,” sambit pa ni Alex. “Kung baga sa paggawa ng baby, hindi naman magkamukha ang magkasunod mong baby, kahit ano ang gawin mo, iba ‘yan ng ugali, iba ‘yan ng sakit or paboritong pagkain. So, hindi sila pwedeng i-compare.”

Sa pelikulang 12 ay may bagong leading man si Alex – si Ivan Padilla na apo ng dating aktor na si Amado Cortez na asawa ni Gloria Sevilla. Kaya sa presscon ay naroroon si Suzette Ranillo na tita ni Ivan.

Kaya lehitimong galing si Ivan sa sikat na Padilla clan sa showbiz at kamag-anak niya sina Robin, Rommel, BB, Daniel, atbp. dahil isang Padilla si Amado Cortez.

Ang kuwento ng 12 ay tungkol sa isang magkarelasyon na nagsimula bilang magkaibigan for 5 years and became in a relationship for 7 years, making it a total of 12 years of being together. Si Anton (Ivan) ay commercial director habang si Erika (Alex) ay former band member who becomes his stay-at-home partner.

Directed by Dondon Santos and written by Alex herself, showing na ang 12 sa Nov. 8, 2017.

Janine idinenay ang paglayas sa pinagmulan

Nalungkot si Janine Gutierrez nang malaman niya na may Noranians na nagagalit sa kanya dahil hindi niya binati ang lola niyang si Nora Aunor noong kaarawan nito pero ang isa niyang lola na si Pilita Corrales ay binati nito.

“Hindi po ako aware,” sambit niya sa solo presscon niya held last Monday, “nakakalungkot naman kung may ganu’n, siyempre, parehong importante sa akin ang dalawa kong lola. Sana hindi sila magtampo or anything kasi pareho ko naman po talaga silang mahal.”

Sa text message raw ay binati niya ang kanyang lola Guy kaya huwag naman daw sana masamain kung hindi niya ito nabati sa social media huwag naman daw gawing basis ito.

“Hindi naman porke’t kung ano lang ‘yung nakikita sa social media, ibig sabihin, ganu’n lang ‘yung nangyayari sa totoong buhay. Hindi naman po talaga napo-post lahat at naa-update ang mga bagay-bagay, so sana, maintindihan po nila na hindi ko rin maipaliwanag lahat-lahat sa Instagram ko or sa Twitter ko,” sabi ni Janine.

Pero naiintidihan naman din daw niya ang Noranians dahil alam niyang mahal na mahal ng mga ito si Ate Guy.

Sa nasabing presscon ay nilinaw din ni Janine ang balitang lilipat na siya sa Kapamilya dahil nag-expire na ang kontrata niya sa GMA 7 at may bago na siyang manager, si Leo V. Dominguez.

Ayon kay Leo, kasalukuyan daw silang under negotiations para sa renewal ng contract ni Janine with GMA 7.

“Ako talaga, super-thankful talaga ako sa GMA 7 kasi all these years, talagang maganda naman po ang projects na ibinibigay nila sa akin, so, inaayos pa po ang contract,” sabi ni Janine na kapapanalo lang bilang Best Supporting Actress sa Urduja Heritage Film Awards para sa pelikulang Dagsin.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: