^

Pang Movies

Geoff nag-daddy duties agad sa anak!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Geoff nag-daddy duties agad sa anak!

Geoff at Baby Arabella

Isa nang ganap na “daddy” at “mommy” sina Geoff Eigenmann at ang singer na si Maya (Angeli Flores) na parehong talents ng PPL Entertainment ni Perry Lansigan.

Nanganak na si Maya kahapon ng umaga, September 23 via Caesa­rian Section (CS) delivery to a healthy baby girl na pinangalanan nilang Arabella Simone.

Ang premyadong direktor na ina ni Geoff na si Gina Alajar ang unang nag-post sa social media ng bagong-panganak niyang apo.

Bandang hapon naman nang unang mag-post si Geoff ng kanyang new-born baby.

Sa larawan ay nakahilig sa kanya ang baby na karga-karga niya at may caption na “daddy duties”.

We learned na 8.1 lbs. and 23 inches long si baby Arabella nang isilang, dahilan kung bakit marahil na-CS si Maya.

Congrats, Geoff and Maya!

Korean actor na ka-loveteam ni Devon, abot-langit ang selos kay James Reid!

Dadalo pala sa Star Magic Ball ang mga Korean actor na sina Jin Ju-Hyung at Hyun Woo na leading men ni Devon Seron sa pelikulang You With Me.

Natawa nga ang lahat sa presscon ng movie nang matanong si Jin Ju-Hyung kung si Devon ba ang date niya sa espesyal na gabing iyon.

Si James Reid ang lumabas sa bibig ng Korean actor, meaning, baka raw ang aktor ang ka-date ni Devon.

Imagine, kilala niya si James!

Paliwanag ni Devon, “lagi niya po kasing naririnig sa interviews ko, so nu’ng nakita niya kagabi ang picture, sabi niya sa akin, ‘ah, so that’s James Reid!’”

Dating na-link sina James at Devon noong nasa Pinoy Big Brother Teen Clash. Sila ang unang magka-loveteam actually at wala pa sa buhay ni James si Nadine Lustre.

Natanong si Jin Ju-Kyung kung nagseselos ba siya kay James, sagot ng Korean actor, “secret” sabay-dugtong ng “maybe she likes James Reid and Jon Lucas. I don’t really know which one she’ll choose”.

Si Jon ay member ng Hashtags at nali-link din siya kay Devon. At kasama rin siya sa pelikulang You With Me.

Natanong din si Ju-Hyung kung nag-search ba siya sa Google about Devon nang malaman niyang makakapareha niya ito sa isang pelikula at umamin naman ang isa sa aktor ng K-drama na Suspicious Partners na oo raw.

What did he find out?

“James Reid?” sagot niya kaya tawanan.

Pero na-search din daw niya na no boyfriend since birth si Devon.

Aminado rin ang K-actor na may effort on his part to get close to Devon.

“That’s why I’m studying Tagalog, I’m trying to speak Tagalog like simple sentence,” sambit niya.

Pinag-sample siya ng Tagalog words na alam na niya at nagpaunlak naman siya.

“Miss kita talaga, gusto kita, mahal kita,” ang sagot ni Ju-Hyung.

Nang tanungin kung nasabi na ba niya kay Devon ang mga salitang binanggit niya, sagot niya ay hindi pa raw dahil kay James Reid.

Tawanan na naman at pati si Devon ay natatawa sa kakulitan ng ka-loveteam na mukhang nagseselos naman, ayaw lang aminin.

Anyway, showing na sa Sept. 27 ang You With Me mula sa Gitana Film Productions and RR Films Entertainment. The movie was shot in South Korea at may mga iba pang Korean stars na kasama. Pati ang mga staff daw ng movie ay mga Koreano rin.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with