Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Primadonang aktres, kumikita ng P150,000 sa isang higaan

Talagang kinalimutan na ng isang aktres ang past niya na hindi naman masama dahil mas importante na nagbagong-buhay na siya.

Ang diperensya lang, sumobra ang kanyang pagmamalinis dahil wagas kung magtaray siya sa co-workers niya.

Sa mga taping, hindi basta lumalabas ng dressing room ang aktres hangga’t walang sumusundo sa kanya na PA.

Ang aktres ang madalas na cause of delay ng taping dahil sa kanyang prima donna attitude, kahit hindi siya ang bida ng show.

May feeling ang mga tunay na nakakakilala sa aktres na defense mechanism ang ginagawa niya para mapagtakpan ang kanyang mapait na nakaraan. Mapait daw o!

Pa-book as in “pumapasada” na parang jeep ang aktres noong fresh na fresh pa siya. By choice ang pagpasada ng aktres dahil sa kagustuhan niya na kumita ng limpak-limpak na datung.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

One hundred fifty thousand pesos na malaking halaga noong dekada ‘90 ang asking talent fee ng aktres. Barya-barya na lang kasi ngayon ang P150,000 dahil bumaba na ngayon ang halaga ng piso.

Favorite singer ni FPJ sumakabilang-buhay na!

Nagluluksa ang local music industry dahil sa pagpanaw ng veteran singer at King of Kundiman na si Ric Manrique, Jr. Actually, dalawa ang kinikilala na Hari ng Kundiman sa Pilipinas, si Ric at si Ruben Tagalog na pumanaw naman noong March 1989.

US-based na si Ric at sumakabilang-buhay siya noong Biyernes. Hindi pa sinasabi ng mga naulila ni Rica ang dahilan ng pagpanaw niya.

Favorite singer ni Fernando Poe, Jr. si Ric dahil ito ang kasama niya sa pang­haharana kay Manang Inday aka Susan Roces.

Si Ric din ang kumanta ng mga theme song ng mga hit movie ni Ma­nang Inday tulad ng Maruja at Ang Daigdig Ko’y Ikaw.

Kamag-anak si Ric ng stage actor at comedian na si Bernardo Bernardo na lilipad sa Amerika para personal na makiramay sa mga naulila ng pinsan niya.

Nagpapasalamat si Bernardo Bernardo sa lahat ng nagdasal para sa kapayapaan ng kaluluwa ng kanyang namatay na pinsan.

AiAi at Vic mapapanood pagkatapos n​i Jessica

May reminder please si AiAi delas Alas at Vic Sotto, tonight na raw ang pilot telecast ng game show nila sa GMA 7, ang Bossing and Ai.

Sa mga nagtatanong, mapapanood ang Bossing and Ai pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho, ang top-rating Sunday magazine show ni Mama Jessica Soho.

Magkaroon sana ng presscon ang Bossing and Ai para maipaliwanag nang husto nina Bossing at AiAi ang concept ng kanilang must-see game show.

Pepe Smith kumapit ang pustiso nang mag-guest sa Bulaga

Umapir kahapon sa Eat Bulaga ang rock singer na si Pepe Smith.

Nagtatanong ang fans kung bakit parang wala sa sarili si Pepe Smith habang kumakanta siya at sa tsikahan portion nila nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Naninibago lang ang fans kay Pepe dahil ganoon talaga ang pagsasalita at ang mga kilos niya.

Sa totoo lang, ako ang worried habang nag­sasalita si Pepe sa Eat Bulaga dahil baka malaglag ang pustiso niya, gaya ng nangyari sa kanyang guesting noon sa Startalk.

Live ang talk show namin kaya kitang-kita ang eksena pero dedma si Pepe na parang hindi affected at nagpakita ng tunay na kahulugan ng professionalism.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: