^

Pang Movies

Goma suportado si Lucy sa desisyon sa CHR!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Goma suportado si Lucy sa desisyon sa CHR!

Lucy Torres Gomez at Richard Gomez

Nakakatawa ang mga kritisismo sa social media. May galit na galit kay Richard Gomez nang dahil sa naging sagot nito sa mga netizens na nagtatanong ano raw ang naging boto ng kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres Gomez sa budget ng Commission on Human Rights (CHR).

“The congressmen voted for what is good for their own districts.

“That is why they are also called representatives, they represent their own districts.

“Ano ba ang [distrito] nyo? Ano ba ang pinili ng congressman nyo?

“Sana tumakbo na din kayo para yung ingay nyo sa social media dun nyo dalhin sa kongreso,” sey ni Goma sa Instagram.

Una, bakit kailangang tanungin pa eh nakalantad naman kung sino ang hindi pabor.

Iyang kongreso, political body iyan. Nasa bawat isang miyembro ng kongreso kung ano ang inaakala nilang desisyon na mas makakabuti sa kanilang constituents. May kumokontra sa policy ng mayor­ya dahil iyon ang idinidikta ng kanilang konsensiya kagaya ni Congresswoman Vilma Santos na tumutol sa death penalty at diyan sa isang libong budget ng CHR. Ok lang naman sa kanya, inalisan siya ng committee chairmanship dahil doon.

May mga kagaya naman ni Congresswoman Lucy Torres Gomez na umayon sa mayorya, dahil naniniwala siyang bilang kasama ng mayorya, madali naman niyang makukuha kung ano man ang tulong na gusto niya para sa kanyang bayan. Iyong kaso ni Congresswoman Lucy, iyon ang karaniwang paninindigan ng karamihan sa mga congressmen. Iyon ang idinidikta ng kanyang konsensiya na dapat niyang gawin dahil mas may magagawa siya para sa kanyang bayan kung mananatili siya sa mayorya.

Sa kaso naman ni Goma, alam niyang iyong nagtatanong ay nagbabalak lamang na i-bash, o bastusin ang kanyang asawa. Kung ikaw man, ano ang gagawin mo alam mo nang babastusin ang asawa mo? Natural lang naman dedepensa ka na. Ang sinabi lang naman ni Goma, “iyong mga congressmen ninyo ang tanungin ninyo”. Iyon naman ang dapat, dahil ang mga iyon ang may pananagutan sa kanila.

Hindi dapat idamay pati ang sinasabing pagiging “relihiyosa pa naman” ni Lucy. Political decision iyan eh. At sa paniwala namin, walang bastos na sinabi si Goma. Natural lang din na dumepensa siya dahil alam niya babastusin ang asawa niya.

Juana Change hindi na kinaaliwan

Natawa kami doon sa comment ng isa na­ming kaibigan. Nakita raw niya ang pinagsasabi ng komedyanteng si Juana Change. Napanood din niya ang video ng isa pang komedyanteng si Nanette Inventor. Halos magkapareho ng political stand ang dalawang komedyante. Pero ang sinabi niya, “natuwa ako doon sa sinabi ni Nanette, pero parang nakakainis iyong si Juana Change”.

Huwag namang magagalit ang kahit na sino. Napanood din namin iyong dalawang video na sinasabi niya. Ang dating kasi ni Nanette bilang si Dona Buding ay pa-cute pa rin. Iyon namang si Mae Paner, alyas Juana Change, hindi talaga cute eh. Minsan nananaig kasi iyong hitsura. Aminin natin, sa mga Pilipino, lamang na pakinggan nila kung ang nagsasalita ay mas may hitsura. Huwag namang magagalit ha, pero mas maganda naman kasing ‘di hamak si Nanette Inventor kaysa kay Mae Paner kahit na pareho silang mataba. Hindi ba Vangie Labalan

Debutantes pinupuri ang special effects

Isisingit lang namin ito. May nagbulong lang sa amin, napakaganda raw ng opticals ng horror film na The Debutantes. Ang sabi sa amin, tiyak daw na panonoorin iyon ng mga tao dahil sa ganda ng opticals ng pelikula na ang dating daw ay nakakatakot talaga. Iyong mga mahilig sa mga nakakatakot na pelikula, tiyak na magugustuhan iyan.

Ang nagkuwento sa amin ay isang technical man, ibig sabihin alam niya ang sinasabi niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with