^

Pang Movies

Lovi may ibang ginawa kasama si Vhong

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung tutuusin, nakakasawa na para sa fans ni Lovi Poe ang mga pelikula niyang medyo daring at may bed scenes. Pero ibang Lovi ang makikita sa bago nilang movie ni Vhong Navarro, ang Woke Up Like This ng Regal Films na pang-birthday celebration ni Mother Lily Monteverde.

Ayaw ni Mother Lily ng malungkot na movie kaya tiyak na nakakaaliw na pelikula ang pinagsasamahan nina Lovi at Vhong na palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw.

Mommy Dionisia hindi na puwedeng gamitin sa comedy bar

Tama lang na sawayin ni Sen. Manny Pacquiao ang sinumang ginagawang katatawanan ang nanay niya na si Mommy Dionisia.

Sino ba naman kasing anak ang matutuwa ‘pag ginawang joke ang nanay nila sa mga comedy show?

Kung sino man ang kumokontra dito ay siyang dapat gawin sa nanay nito.

Hay, nauubusan na ba ng pampakwela ang mga comedy show kaya panlalait ang napili nilang pagtawanan kahit masakit sa iba?

Akting ni Odette ngayon lang napapansin

Finally ay nagantimpalaan din ang pagiging isang mahusay na aktres ni Odette Khan. Sa tagal niya sa showbiz, parang ngayon lang siya nabigyan ng markadong papel na mapapanood sa Ika-6 Na Utos directed by Laurice Guillen.

Naka-relate kasi kay Odette ang mga kasambahay at mayordoma lalo nang noong sagut-sagutin siya ni Ryza Cenon at Carmen Soriano. Mabuti na lang at malakas kay Gabby Concepcion si Odette kung hindi ay baka matagal na siyang napalayas ng pamilyang ‘yun.

Natatandaan namin si Odette noong gumanap siya sa isang stage play kung saan monologue style ang ipinakita niyang pag-arte. Madalas siyang gumanap na nanay ng mga bold star noong araw.

Sa totoong buhay ay may anak si Odette, si Claudette na dating nag-aartista rin sa Viva. Ngayon ay isa nang guro si Claudette at may anak na rin.

Pero dedma ‘pag pinupuri maraming celebrities oa mag-react ‘pag nakakanti

May nagtatanong, bakit ang mga artista kapag pinuri mo nang pinuri wala man lang reaksyon ng pasasalamat pero kantiin mo ng bahagya dahil sa mga kamaliang pinaggagawa ay tiyak hahantingin ka hanggang sa liblib na pook sa Baliuag, Bulacan. Napaka-ungrateful hindi po ba? Well, ayan ang showbiz kaya nga artista tawag sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with