^

Pang Movies

Alang-alang sa show, Alden at Maine sumabak sa bagyo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alang-alang sa show, Alden at Maine sumabak sa bagyo

Maine Mendoza at Alden Richards

Happiness talaga palagi kapag magkasama ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Muling dumagundong ang Studio 7 ng GMA Network last Sunday sa Sunday PinaSaya dahil naglaban sa fliptop battle sina Alden at Maine sa topic na “kapag may misunderstanding ang magkarelasyon dapat bang patagalin?”

Ang ganda ng sagutan ng dalawa at tuwang-tuwa ang AlDub Nation na pumuno sa Studio 7. Whole day ang events ng dalawa last Sunday at kahapon naman sa Eat Bulaga, nagtiis silang mabasa sa Juan For All, All For Juan segment, dahil sa napakalakas na ulan na hindi nila sinukuan kasama sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Wally Bayola.

Wala silang pakialam basta ma­ka­pagbigay lamang sila ng saya sa mga contestant na nabubunot nila. Iyong contestant nila kahapon, naka­tira lamang sa isang maliit na kwarto. Dalawa silang natutulog na halos nakatayo para lamang magkasya. Pero ayaw nilang iwanan ang naturang lugar dahil wala na silang malilipatang bahay na libre ang rent, at electricity at water lamang ang binabayaran nila.

May update rin ang EB kahapon sa ipakakasal nilang sina Lorlie at Erning. Sa paglalakad ng ikakasal ng kanilang papers, noon lamang nalaman na hindi pala nabinyagan at nakumpilan si Mang Erning, kaya bininyagan at kinumpilan siya para  mabuo ang mga requirement nila.  Kinailangan din nilang kumuha ng certification sa five churches na magpapatunay na hindi pa sila talaga nakakasal dahil 39 years silang naghintay. Kaabang-abang kung paanong kasalan ang ibibigay ng EB sa kanila.

Barbie shopping to the max ang ginagawa sa Amerika

Nag-i-enjoy si Barbie Forteza sa pagbabakasyon niya ngayon sa iba’t ibang lugar sa United States, kung saan ang kapa­tid niyang based sa Chicago ang kanyang pinuntahan. Ito ang 20th birthday gift niya sa sarili at para makapag-relax na rin after ng sunud-sunod na trabaho niya sa GMA 7.

Si Jak Roberto na rumored boyfriend ni Barbie ang natanong namin last Sunday sa Sunday PinaSaya kung kailan ang balik ni Barbie na umalis last August 16.            

“Sa August 24 po, ini-enjoy muna niya ang bakasyon niya na matagal na niyang plinano,” sagot ni Jak. “Nakikita ko po mga posts niya.”

Ngumiti lamang si Jak sa tanong kung sila na ba talaga ngayon ni Barbie, dahil sa isinulat nito sa candle balloon na pinalipad nito sa Rensselaer, Indiana sa ginanap na taunang Shine Festival doon. Ang isinulat ni Barbie: “Monay at Pandesal Sana Magtagal.”

Nag-celebrate ng post birthday niya si Barbie sa The Signature Room sa Chicago kung saan nasa 95th floor sila. Todo-shopping din si Barbie at nalibot niya ang ilang lugar sa New York City, like Statue of Liberty, Rockefeller Center, Times Square, at nakarating na siya sa pamosong restaurant ng Serendipity III.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with