^

Pang Movies

Pelikula nina Bela at JC, hindi natinag sa no. 1

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pelikula nina Bela at JC, hindi natinag sa no. 1

Bela at JC

Ayon sa kanilang inilabas na press release, kumita ng P60 milyon ang top grosser na 100 Tula Para Kay Stella sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Malaking kita na iyan para sa isang indie, after all napakaliit lang naman ng puhunan sa mga ganyang pelikula. Kung iisipin na mga one third lamang niyan ang take home ng producers ng pelikula, dapat na nga silang magsaya. Hindi naman siguro inabot ng sampung milyon ang puhunan sa pelikulang iyan.

Kung ganyan nga kalaki ang kinita ng kanilang top grosser, lumalabas na mas malaki ang kinita nila kaysa sa isa pang indie festival, iyong CineMalaya. Pero iyon namang CineMalaya, inilabas lamang sa CCP at ilang sinehan. Iyang festival na iyan inilabas sa mga sinehan sa buong bansa. Ang sinasabi naman ng ibang observers, kung iisipin na inilabas sila sa maraming sinehan, at nakakuha ng playdate na kagaya ng mainstream, at tapos ay ganyan lang ang kinita, maliwanag na kulang pa rin ang suporta ng mga tao sa mga pelikulang indie. Hindi mo talaga mapipilit ang mga tao kung ano ang dapat nilang panoorin.

Mukhang negatibo rin iyong dating ng mga pini­lit na festivals na iyan. Kasi iyong pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, indie rin, isinugal sa regular na playdate, mas kumita kaysa sa top grosser ng festival. Iyong pelikula ni Eugene Domingo, mas kumita pagkatapos ng festival. Iyon ding indie ni Vilma Santos, mas malaking ‘di hamak ang kinita pagkatapos ng festival. Ibig sabihin, mas hindi sila kumikita kung nasa festival pa sila. Ang tanging festival na kumikita ang mga pelikula ay sa Metro Manila Film Festival (MMFF), na lumiit din ang kita noong nakaraang taon nang tadtarin nila ng mga pelikulang indie.

Eh iyong mga pelikulang mainstream, kagaya na lang noong pelikula ni Sarah Geronimo, kumita ng isandaang milyon sa loob ng apat na araw. Eh iyang kay Bela, top grosser pang naturingan, ang press release P60 milyon lang sa isang linggo. Tandaan ninyo ha, press release lang iyan. Ibig sabihin hindi iyan opisyal na kita ng pelikula.

Orig kapamilya talents nagrereklamo sa mga bagong lipat

Si Mark Neumann naman ang sinabing sinalo ng ABS-CBN ngayon matapos na hindi na i-renew ng TV5 ang kanyang kontrata. Maganda naman iyang ganyan, na iyong mga artistang wala nang trabaho, kahit na papaano ay nabibigyan ng pag-asa ng ABS-CBN.

Ganoon din naman ang kaso nina Aljur Abrenica at Sarah Lahbati, na parehong hindi na inalok ng renewal ng GMA 7 dahil nagkaroon sila ng pag-asa sa ABS-CBN.

Ang problema lang niyan, baka naman sa kaaampon nila ng mga artistang wala nang trabaho, iyon namang mga talent nila ang mawalan ng assignment sa kanilang network. May mga naririnig na rin naman kaming mga ganyang reklamo. May nagsabi pang ang kanila daw network ay “parang banyera na lahat ay sinasahod”.       

Manghuhula ng mga sikat pumanaw na

Ninety-one years old nang mamatay noong Linggo ng umaga ang comedy legend na si Jerry Lewis. Paborito namin ang mga pelikula niya noong bata pa kami. Noon namang Sabado ng umaga, yumao na rin ang sikat na manghuhulang si Danny Cinco. Kilala siyang manghuhula ng mga artista at producers.

Gusto naming ipaabot ang aming pakikiramay sa kanila, ganoon din sa estudyanteng si Kian Lloyd delos Santos na napatay din.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with