^

Pang Movies

Ayaw pagamit, Marian at Dingdong inireklamo ang poser sa Twitter!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ayaw pagamit, Marian at Dingdong inireklamo ang poser sa Twitter!

Dingdong Dantes

Dingdong pumiyok sa planong pagpasok sa pulitika

Inireklamo na ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang poser sa Twitter ng GMA Primetime Queen na ginagamit ang pangalang Marian Rivera-Dantes na may account name na @superstarmarian.

“Walang Twitter account ang asawa ko. Minsan entertaining magbasa ng parody account. But to a certain point, kapag involved na ang political views na nagiging dahilan na ang threats or ng hindi magandang pananaw sa akin, sa aking asawa lalo na asa aking pamilya, hindi ko papayagang mangyari ‘yon.

“Kaya ako, personally I’m requesting that whoever is behind that parody account, please take it down already. Yes, we were entertained already and we understand how witty you are and we understand also mga na-contribute mo,” pahayag ni Dong sa 8th founding anniversary ng Yes Pinoy Foundation (YPF) nang buksan sa Resorts World Hotel ang art exhibit na I Am Super: An Art Exhibit For Resilience na bukas sa publiko hanggang August 27.

Sa isang post sa Instagram ni Yan Yan, kanya ring itinanggi na wala siyang Twitter account at hindi siya ‘yung Marian Rivera-Dantes na sunud-sunod ang tweets at reply sa kanyang bashers kaugnay ng paghahanap ng hustisya sa pinatay na teenager na si Kian delos Santos ng Caloocan kaugnay ng Oplan Galugad ng mga pulis.

Sa nasabing exhibit naman, may kontribusyong flower arrangements si Marian mula sa kanyang negosyong Flora Vida by Marian kung saan nakipag-collaborate rin siya sa mga artist na sina Mark Padernal at Carlo Saavedra.

Ayon kay Dong, sold-out na ang kontribusyon ni Yan Yan na P100-K ang dalawa, habang P164-K naman ‘yung kolaborasyon niya. Naging emosyonal nga ang GMA Primetime Queen nang ipahayag ang dedikasyon ng asawa sa YPF lalo na sa isinasagawang projects nila to the point na halos mawalan na siya ng oras sa kanila ni Zia.

“Kasi ‘pag pinag-usapan mo ang life’s worth, it becomes very emotional. Para sa akin very personal ang foundation dahil baby ko rin ito. Parang siya, personal sa kanya ang Flora Vida. Alam din niya kasing baby ko rin itong Yes. Naiintindihan naman niyang lahat ang paghihirap ko sa foundation,” saad pa ng GMA Primetime Queen.

Ang layunin ng I Am Super ay mamahagi ng hooded backpack sa mga estudyante ng 10 eskuwelahan sa buong bansa. Laman nito ang emergency kits at learning materials upang magturo ng kaalaman kapag may disaster.

“With our latest campaign, we believe that with the right knowledge, skill and heart, we can be heroes by empowering others in great need such as young people and communities in disaster prone areas,” sabi pa ni Dong.

Ayon pa sa bida ng GMA’s Alyas Robin Hood, hindi ito preparasyon sa pagpasok niya sa pulitika.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with