^

Pang Movies

Alex at Empoy raraket na sa serye ni Piolo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi lang kumita si Piolo Pascual dahil siya ay isa sa mga producer ng pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy na Kita Kita. Mas matindi pa ang pakinabang niya ngayon dahil tiyak na itutulak ng tambalang Alempoy pataas ang ratings ng isang serye na gagawin ni Piolo. Isasama na kasi ang dalawa sa serye ni Piolo.

Pero may nakikita kaming negatibong dating niyan. Maaaring tumaas ang ratings ng kanilang serye, pero mababawasan naman ang potentials ng kasunod na pelikula nina Alessandra at Empoy oras na makita na sila araw-araw. Tiyak naman kasi na ang ipagagawa sa kanila sa TV ay kagaya ng mga role na ginawa nila sa kanilang hit movie. Kung napapanood na sila ng libre araw-araw, may magbabayad pa ba para mapanood silang muli?

Publisidad sa Facebook ‘di epektibo

Ilang malls ang inikot namin kahapon pero mukhang matamlay pa rin ang mga tao sa panonood ng mga pelikulang Pilipinong sabay-sabay na inilalabas sa lahat ng sinehan. Kung sa bagay, inaasahan naman namin iyan. Dahil kung dati sa Metro Manila Film Festival, ang pinipili nila ay iyong mga pelikulang sa palagay nila ay magugustuhan ng masa, sa festival na ito inilabas nila iyong gusto nilang panoorin ng masa. Hanggang ngayon, mukhang hindi pa nila alam na hindi mo madidiktahan ang masa.

Noong Linggo, akala nga namin mata-traffic kami dahil sa kanilang parada, pero hindi rin pala dahil wala namang masyadong nanood ng mga float na maliliit na parang indie film rin talaga.

Isa pa, papaano nga ba malalaman ng mga tao iyan eh karamihan nakalagay lamang ang kanilang layout at listahan ng mga sinehan sa kanilang Facebook posts.

Noong araw, ang lahat ng malalaking diyaryo ay may tinatawag na “cine page” kung saan ay advertisement ang lahat ng mga sinehan na nagsasabi kung ano ang kanilang ipinapalabas. Iyan ay araw-araw, kaya ang ginagawa lang ng gustong manood ng sine, titingin sa diyaryo at alam na nila kung saan sila pupunta. Eh ngayon dahil sa pagtitipid nga nila, sa Facebook na lang nakalagay iyan.

May hinahanap nga kaming isang pelikula last week, iyon pala nag-last day na pagkatapos ng dalawang araw.

Female personality biglang naging sensitive

“Masyado naman yata siyang sensitive,” ang comment na narinig namin tungkol sa isang female star na panay ang react sa anumang lumalabas sa mga diyaryo tungkol sa kanya.

“Ganyan talaga ang mga artista basta laos na. Gusto nila mapansin sila. Gusto nila patulan sila ng mga bina-bash din nila at inaakusahan nilang inaapi sila at ang pamilya nila. Kung hindi nila gagawin iyan, hindi na sila mapag-uusapan at lalong magi­ging matingkad ang katotohanang laos na kasi sila,” ang sabi naman ng isang kritiko.

“Halos magsayaw na nga ng ballet sa ibabaw ng platito mapansin lang eh,” ang nagtatawang sabi pa ng isang observer. Oo nga naman!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with