^

Pang Movies

Ogie maraming kondisyones sa manliligaw ni Leila

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Todo-suporta ng pamilya ni Ogie Alcasid nang mag-launch siya ng album niyang NakakaLokal sa Robinson’s Magnolia last Saturday. Present ang asawang si Regine Velasquez-Alcasid pati na ang mga anak niyang sina Nate at Leila.

Eh sa album na ‘yon, special guest si Reg na may medley ng kanyang hit songs. Kinanta nila ni Ogie ang classics niyang Kailangan Ko’y Ikaw, Pangako at Hanggang Ngayon.

Turning 50 na si Ogie sa August. “Siyempre dumaan din tayo sa pagsubok pero God is good. Very merciful. Ngayon, kumpleto ang pamilya ko. Maganda naman ang health naming mag-asawa. Maganda naman ang career ng asawa ko. Okay naman ako. God is good,” kwento ni Ogie matapos ang mall show.

Ano ang nararamdaman niya habang nanonood ang pamilya niya sa harap niya?

“Nakakawala ng nerbyos ‘pag nandiyan sila kasi they’re cheering you on. Alam nila ang pinagdaanan ko habang ginagawa ko ang album. ‘Pag nandoon sila, nabubuhayan ako,” sambit niya.

Mukhang hindi na niya mapipigilan ang anak na si Leila na pumasok sa showbiz, huh!

“Well, nag-workshop naman siya. Nag-billboard na rin siya sa Bench at maraming kumukuha sa kanyang endorsements. Sabi ko nga minsan, ‘Sama naman n’yo ‘yung tatay!’ Ha! Ha! Ha!

“Sobrang enjoy siya rito. Sobrang thankful sa nakukuha niya rito. Down to earth kasi siya gaya ng nanay niya. Tapos, natutuwa siya’t kasama niya ang kapatid niya.

“Sa bahay, kaming dalawa lang ni misis, ngayon maingay na. Ang sarap-sarap!

“Iba-iba ‘to. Ako naman lagi kong sinasabi, sa mga nanliligaw, sige, kung sino ang gustong ma­kipag-date sa ‘yo, tawagan ako! May nangyari nang ganoon!

“Natutuwa naman ako kasi inirerespeto niya ang anak ko. Basta, sa kotse ko sasakay, tapos uwi siya ng 12. Ganoon. Ang sa akin, walang problemang manligaw basta makipagkilala kayo sa amin. Gusto kong makilala ‘yung guy,” pahayag ni Ogie na amang-ama.

Anyway, sampu ang tracks ng NakakaLokal at meron din siyang covers ng ilang teleseryes.

Young actor walang pahinga! 

Bugbog sa trabaho ngayon ang young actor. Wala kasing naimbak na episodes sa ginagawa niyang series ngayon.

Naloloka nga lang ang staff ng pelikulang nakatakda niyang gawin dahil hindi makapagbigay ng schedules ang young actor. Eh, madugo pa naman ang konsepto ng movie kaya nganga ang mga taong involved sa movie.

Dahil sa ngaragang tapings, bakas sa mukha ng young actor ang kapaguran, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with