^

Pang Movies

Book 2 ng robin hood tatapatan ang Game of Thrones!

Debbie Castillo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangako ang direktor ng Alyas Robin Hood na si Dominic Zapata na tatapatan ng Book 2 ng serye na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes ang mga sikat na produksyon ng Hollywood at digital media gaya ng Game Of Thrones.

Higit na malaki raw ito kesa sa naunang Alyas Robin Hood.

Noong dumalaw ang ilang members ng press sa 3rd taping day nito, naabutan namin ang 250 na tao na kasama sa eksena. Fight scene ang kinunan nung araw na iyon na hindi pa pwedeng sabihin dahil baka raw ma-preempt.

Pero marami pa raw ang mga eksenang mas malaki kesa rito. Mayroon pang ati-atihan scene na ipinagmalaki si Direk Dominic. Bukod sa mga ito, may plano rin silang dalhin ang serye sa ibang bansa gaya ng Africa at Morocco.

Andrea gusto nang tapusin ang gusot kay Marian

Hangga’t pwede raw ipalabas sa TV, walang limitasyon sa pagbubuyangyang ng katawan si Andrea Torres.

“Hindi naman po ako tumatanggi sa mga pinapagawa ni Direk,” deklarasyon ng aktres na isa sa mga leading lady ni Dingdong sa palabas.

Hindi nga raw biro ang ginawang paghahanda at pagsasanay ni Andrea para ma-achieve ang perfect body shape at para gumaling sa fight scenes. Babad daw siya sa iba’t ibang activities kapag wala siya sa taping.

“Nakapag-train po  ako ng wushu, muay thai, boxing at nakapag firing din po ako. Marunong na rin po akong gumamit ng katana. Tapos  ngayon po may isa pa po akong tina-try na weapon na to be revealed pa kasi po baka magamit sa eksena.”

Katakot naman pala si Andrea. Hindi siya pwedeng ismolin dahil kahit litaw na litaw ang babaeng-babae na sexy image niya, may ibubuga siya sa bakbakan.

Abangan din daw natin ang action scene kung saan super sexy ang kanyang suot.

Anyway, gusto nang tapusin ni Andrea ang isyu sa kanila ni Marian Rivera.

Hindi rin daw siya apektado sa bashers na gusto na agad siyang ipatsugi sa book two ng Alyas Robinhood kahit hindi pa ito umeere.

“Mas gusto ko po kasi na positive lang. Okay naman po kami lahat sa set. Walang ilangan or anything. Walang napag-uusapan na ganun kaya ‘di ko na lang din iniisip.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with