^

Pang Movies

Ryza, wrong move ang ginawang paglipat?

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung kailan maganda ang career ni Ryza Cenon ay saka naman siya nag-decide na lumipat ng ibang ma­nagement company. Ang ganda-ganda ng career eh sayang naman. Hindi nga siya aalis sa GMA pero ang tanong mabibigyan ba siya ulit ng magandang role? Siyempre priority nila ang GMA talents. Hindi naman siya aalis in sa Ika-6 Na Utos. Pero sa pagpasok ni Angelina dela Cruz ay malamang mabawasan ang mga eksena niya.

Uge, Edu, at Boobay natural ang chemistry

In all fairness, kitang-kita namin ang good chemistry na nabubuo every Sa­turday night sa samahan nina Eugene Domingo, Edu Manzano, at Boobay. Pak na pak kasi talaga ang mga banat nila towards each other.

Parang hindi nanggaling sa sakit si Boobay. Nagdahilan lang yata. Naisip tuloy namin kung paano ba nila ito napa-practice.

Pero sinabi sa amin ni Boobay na wala palang practice na nagaganap dahil ayon sa kanya, “Dito sa amin, wala na ‘yung ilangan kasi gets na namin ang isa’t isa. Hindi na namin kailangan ng salita para saluhin kami sa mga banter namin. Lalo na si Ms. Uge, hindi na namin kailangan mag-practice para sa mga batuhan, natural na lang na lumalabas.”

Wow, walang halong bluff pero pak na pak talaga ang trio niyo! Kaya naman looking forward talaga ang manonood every Saturday night sa bawat episode ng Celebrity Bluff para sa kanilang hilarious exchange of jokes. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with