^

Pang Movies

Gal Gadot $300,000 lang ang TF sa Wonder Woman!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Gal Gadot $300,000 lang ang TF sa Wonder Woman!

Gal Gadot

Umani na ng higit sa $500 million sa worldwide box-office ang pelikulang Wonder Woman na pinagbidahan ni Gal Gadot.

Dahil sa success nito, puwede nang magtaas ng kanyang talent fee si Gal.

Balita kasing binayaran lang si Gal ng $300,000 para gawin ang pelikulang Wonder Woman.

Pareho sila ng natanggap noon ni Chris Evans na talent fee noong gawin niya ang unang Captain America na pelikula. Ngayon ay kumikita na si Chris ng higit sa $40 million plus at ka-level na niya ang mga superhero actors na sina Robert Downey, Jr., Henry Cavill at Christian Bale.

Kaya sa susunod na Wonder Woman movie ni Gal, makaka-command na ito ng milyones na talent fee dahil isa na siyang box-office star.

Sa ngayon, ang highest-paid Hollywood actress ay si Jennifer Lawrence na binabayaran ng $46 million kada pelikula.

Kobe Paras balik-FIBA muna

Naka-summer break si Kobe Paras mula sa kanyang pag-aaral sa U.S. kaya marami siyang time para maglaro para sa Philippine team.

Isa si Kobe sa naging representative ng Pilipinas sa 2017 FIBA 3×3 World Cup in Nantes, France. Kasama nga niya sa team sina Kiefer Ravena, JR Quiñahan, at Jeron Teng.

Hindi na bago kay Kobe ang pagsali sa naturang international basketball competition dahil noong 2014 and 2015 ay nag-compete na siya sa FIBA 3x3 Under-18 World Championships at nanalo pa siya sa Slam Dunk contest nito.

Pero ang mga magagandang efforts ni Kobe ay napipintasan pa rin ng ilang mga basher sa social media.

Nag-post ng isang cyptic message si Kobe sa Instagram kamakailan.

Hindi nga tinukoy ng anak ni Benjie Paras kung sino ang pinatatamaan nito sa kanyang mensahe.

“These people prayed on my downfall #twtbg #rockstarlifestyle” post pa ni Kobe.

Kahit na matagal ding nawala si Kobe sa Pilipinas, tuwing nandito siya, gusto niyang maglaro para sa ating bansa.

“It’s been a while since I represented my country, at saka everytime I get a chance to play for Gilas or any tournament na representing the country, I always say yes,” pagtatapos pa ni Kobe na maglalaro para sa basketball team ng Cal State Northridge pagbalik niya sa Amerika.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with