^

Pang Movies

Maine naging coordinator sa kasal-kasalan nila ni Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mamayang gabi na ang pinakahihintay na grand wedding nina Alden Richards as Benjie Rosales at Maine Mendoza as Sinag Obispo sa pagtatapos ng first teleserye nila sa GMA 7, ang Destined To Be Yours pagkatapos ng Mulawin vs Ravena.

Sa Chika Minute ng 24 Oras last Wednesday, ipinakita ang sneak preview ng preparation sa wedding ceremony at nakakuha rin kami ng ilang information sa mga nasa location ng araw na iyon. Ginanap ang wedding scene sa Aviary sa location nila sa Dolores, Quezon, na tinawag nilang Pelangi sa story.  Sinunod ng production at ni Direk Irene Villamor ang request ni Maine, na mistulang naging wedding coordinator, mula sa pagsi-set up ng event hanggang sa wedding proper.

English Garden and Ruins ang concept ng wedding at libu-libong Equadorian roses, in pastel colors ang ginamit na decors, na nag-reflect daw sa personality ni Maine na masayahin. Ang wedding bouquet ni Maine ay made of tulips. 

Si Maine ang namili ng wedding march nila at ayon sa kanya, “ewan ko, dalang-dala ako ng lyrics ng kanta, makabagbag-damdamin, hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko.”  Si Alden naman, inamin na may mga kilig scenes pa rin sila ni Maine, “dito kasi namin nai-enjoy ni Maine ‘yung mga ginagawa namin off-cam na nadadala namin on-screen.”

Si Maine rin pala ang namili ng wedding gown niya kay Jazel Sy at ng suit na isusuot ni Alden. Last Sunday, May 21, after their segment ni Alden sa Sunday PinaSaya, kasama ang executive producer nila ng soap, umalis agad si Maine para mag-fitting ng kanyang wedding gown.

Huwag daw i-miss ang pagbabasa ng wedding vows nina Alden at Maine dahil ito ay sinulat nila mismo at mula sa puso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with