^

Pang Movies

Fans ni Alden ayaw tigilan si Maine?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Minsan madidismaya ka na lang sa ginagawa ng ibang mga tao, lalo na sa social media. Maganda nga iyang social media dahil mabilis na nakakapagbalitaan, pero ang masamang epekto niyan, kung anu-ano ang sinasabi ng ibang gumagamit.

Noong isang araw, ang nakatuwaan nilang banatan sa social media ay si Maine Mendoza. May nag-post ng pictures ni Maine, na kasama ang iba pang mga artista na nagkakatuwaan. Nagkakantahan lang naman sila. Wala ka namang masasabing masamang ginagawa nila. Tapos may gumawa ng comparison noong background sa kanilang pictures, at gamit ang iba pang postings, sinabing ang katuwaang iyon ay naganap sa bahay ni Sef Cadayona.

Biglang may nag-comment na ilang buwan na ang nakakaraan may nag-link kina Maine at Sef. Iyon lang at kung anu-ano na ang sinabi nila laban kay Maine gaya ng malandi raw ito.

Naiintindihan namin na ang pagbanat nila kay Maine ay may kahalong selos. Hindi na kailangang ipagtanong pa, ang nagsasabi ng mga iyon ay AlDub fans. Ang tanong naman namin ay ganito, sabihin na nating sumikat si Maine dahil sa pagtambal kay Alden nangangahulugan ba iyong hindi na siya maaaring makipagkaibigan sa iba maliban kay Alden?

Ibig bang sabihin kung magka-love team sila hindi na maaaring mag-entertain si Maine ng ibang gustong makipagkaibigan sa kanya? Kahit na sabihin mo pang nanliligaw sa kanya, eh ano ngayon? Hanggang ngayon naman ay magka-love team lang sila ni Alden. Natanong na ba nila si Alden kung talaga bang nanliligaw siya kay Maine, o ang basehan lang nila ay kung ano ang nakikita nila sa harap ng camera?

Aba malabo naman yata iyon, na dahil fans sila ng isang loveteam, kung may ibang manligaw sa babae ay magwawala na sila. Papaano kung malaman nila na may ibang syota rin si Alden, ano naman ng gagawin nila?

Gil Cuerva palaban sa isyu ng Martial Law Erik Matti pinutakti ng mura ng mga maka-Duterte

Mahirap lunukin ang lahat ng pagmumurang ibinabato kay Direk Erik Matti matapos na magmura rin ang director dahil sa deklarasyon ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi naman itinatago ng director na siya ay nasa oposisyon kahit na noong araw pa. Nagkamali lang siguro siya ng binitawang salita, pero sobra-sobra ang pagmumurang inabot niya. Kalaunan, ginawa na lang niyang private ang kanyang social media account, para hindi na lahat ng tao makakabasa ng mga sinasabi niya, at hindi rin naman niya mababasa iyong mga masasamang comment.

Kabaliktaran naman iyon ng nangyari sa baguhang actor na si Gil Cuerva. Sinabi lang ni Gil na sa panahong ito, hindi na tayo dapat maglaban-laban kung di magkaisa muna dahil talagang mayroong kaguluhang kailangang harapin natin, at delikado talaga iyan para sa lahat kung hindi mapipigil.

Eh ‘di kung anu-ano rin naman ang sinabi ng grupong alam na ninyo laban kay Gil. Sinasagot naman sila ni Gil, pero uubusin ba niya ang oras niya sa mga taong hindi naman makikinig sa katuwiran niya? Ignore na lang niya mabuti pa.

Direk Gil matagal nang may sakit

Yumao na ang director na si Gil Portes. Hindi na kami nabigla nang marinig namin ang balita, kasi matagal na rin naman siyang may sakit. Ang kuwento nga sa amin, doon daw sa shooting ng isa niyang pelikula, kailangan na siyang buhatin sa isang duyan ng mga crew para makaakyat sa mabundok na location.

Sinasabi ring tinapos na lang ng kanyang assistant ang mga natitirang eksena sa isa niyang pelikula.

Nagawa na siguro niya ang kanyang role sa buhay na ito. Ngayon ay mapayapa na siya kaisa ng Diyos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with