^

PSN Showbiz

Jodi at Jolo hiwalay na naman

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Dahil hindi nakita si Jodi Sta. Maria sa selebrasyon ng ika-90 taong kaarawan ni dating senador Ramon Revilla Sr. kung kaya agad-agad ay nakabuo ng konklus­yon ang mga dumating na panauhin na may aberya na naman sa pagitan nila ng boyfriend na si Vice Gov. Jolo Revilla.

Mukhang hindi rin nag­ta­gal ang kanilang ba­­likan na naganap bago pa ang birthday ni Sen. Bong Revilla na kung saan ay namataan si Jodi.

Sayang naman dahil akala ng lahat ay forever na ang naging balikan nila. Hindi naman pala at me­ron na naman sigurong pinagdadaanan ang relasyon nila.

Piolo nawiwili na sa pagpo-produce

Nagiging madalas na ang pagpoprodyus ng pelikula ni Piolo Pascual. Nakatakda pa lamang ipalabas ang Northern Lights: A Journey To Love kung saan isa siya sa mga nag-produce at nagtatampok sa unang pagtatambal nila ni Yen Santos pero may naisip agad siyang follow up movie na magtatambal kina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Pinamagatang Kita Kita, magsisllbing entry ito ng bansa sa Osaka Film Festival 2017.

Napag-uusapan na rin lamang, maganda ang ibinabadya ng movie nila ni Yen na Northern Lights na sa New Zealand pa kinunan.

Gustung-gusto ng manonood yung ipinalalabas na trailer ng pelikula na kung saan ay may mainit na komprontasyon sila sa gitna ng lamig ng gunaganap na anak, si Raikko Mateo. 

 

Bloopers ni Ryan Bang kinaaliwan

Kaya naman pala puspusan ang kampanya ni Ryan Bang para panoorin ang My Ex and Whys ay dahil may maganda siyang role sa movie. Karagdagang saya sa pelikula ang role na ginampanan niya.

Malaking benta­he rin ng movie ang pag­pa­­pamalas ng mga pag­kakamali o bloopers na naganap sa shooting o paggawa ng pelikula.

Maganda ang paglalagay ng bloopers sa My Ex and Whys dahil may pagka-comedy ang movie. Ang dami kasing iyak ang ginawa ni Liza Soberano sa pelikula na kahit sa mga nasabing eksena ay hindi nabawasan ang kagandahan. Pwede naman palang walang eksenang halikan sila ni Enrique Gil. Hindi nabawasan ang kilig ng pelikula.

Maraming pinoy imbitado sa aiffa

Malaki ang respeto ng ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) sa mga pelikulang Pinoy at sa mga gumagawa nito kung kaya may imbitasyon ang bansa na ma­kilahok sa AIFFA 2017 na magsi­si­mula sa May 4 hanggang 6 sa Ku­ching, Sa­rawak, Malaysia.

Magsisilbing opening film ang Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz.

Inimbitahan din si Cannes Best Actress Jaclyn Jose para maging spea­ker. May Pinoy din na uupo bilang judge.

Hahangarin ng AIFFA na i-break ang Guinness World Record for the biggest gathering of people na naka-costume ng pisa.

Erich balik-mmk

Kahit wala pa sa bansa si Erich Gonzales dahil nagpapagaling pa ng broken heart sa US, may nagawa siyang episode sa Maalaala Mo Kaya (MMK) na mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN.

Gaganap siya bilang Vin-Zi, isang magaling na estudyante na layuning makatapos para nakatulong sa kanyang pamilya. Ayaw niyang magaya sa isang kapatid na babae na kinailangang huminto sa pag-aaral nang mabuntis.

Valedictorian siya nang magtapos ng high school. Sa kasamaang palad ay nabuntis din siya ng boyfriend na si Red. Tumigil siya ng pag-aaral para maala­gaan ang anak.

Hindi naman sila pinabayaan ni Red. Dahil sa inggit na nararamdaman niya sa tuwing nakakakita ng mga kaibigang patuloy na nag-aaral, humingi siya ng tulong sa kanyang ama para makapag-aral siyang muli.

Sa pagpasok ng iskwela ay kinailangan niyang dalhin ang anak dahil wala siyang mapag-iiwanan dito.

Pero, hindi pumayag ang dean of school kaya nahirapan siya na pagsabayin ang pag-aaral at pagiging ina.

Makatapos kaya siya sa kolehiyo?

Kasama sa episode na dinirek ni Raz dela Torre at sinulat nina Mae Balanay at Arah Jell Badayos sina Geoff Eigenmann, Krystal Crooks, Andrea del Rosario, Ynna Asistio at Michael Flores.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with