^

Pang Movies

Sharon may patutsada sa bagong leading man

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sino kaya ang tinutukoy ni Megastar Sharon Cuneta sa post niya sa kanyang Facebook, sa isa sa magiging leading men niya sa movie na sisimulan na niya sa Star Cinema next year?  Narito ang post ni Sharon:

“Star Cinema assured me that my movie will start shooting in January and they are pre­sently fixing my schedules. Malou Santos still deciding who is to be my leading man between two actors. It’s totally her decision. I just pray for one who doesn’t have amnesia, will respect me and not give me any headache during filming. I am praying for God to pick the right one for this project. After all, it will be my first movie in six or seven years.  Pretty big and special to me. I want to work happy everyday, not stressed out and tense.”

Nagsimula na ring mag-recording si Sharon ng bagong album para sa Star Records. Last week, kahit medyo may sakit at paos ang boses, nakatapos si Sharon ng first cut ng kanyang album.  Masaya rin si Sharon na kasama nila ngayon si KC, na sabi niya, ang kanyang big baby, na wish niya ay mag-stay na baby niya kahit daw abutin ito ng 70 years old.  Kasama rin nila ni Sen. Kiko Pangilinan sa bagong condominium unit nila in Ayala ang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

Kris may part 2 interview kay Maine

Nagpasalamat agad si Kris Aquino sa mga fans matapos umabot na sa one million views ang kanyang first Facebook Live, ang #KrisIsReal.

Nag-post din si Kris ng “And because you wanted a lengthier conversation I’m having a very special sit down, 1 on 1 with @mainedcm next week. #KrisIsReal #KrisConversation”

Hindi na magiging mahirap kay Kris na muling mai-schedule si Maine for a long conversation dahil iisa nga ang kanilang production company, ang APT Entertainment Inc. ni Mr. Tony Tuviera.

Jake laglag na Matteo Do

Kasamang ipinakilala sa Chika Minute ng 24 Oras ni Jennylyn Mercado ang bago niyang makaka-love team na si Gil Cuerva, ang 21-year old commercial and print model na gaganap na si Matteo Do sa My Love From The Stars na remake ng Koreanovelang sinubaybayan ng mga Pinoy last year.

Wala namang magiging problema kay Gil dahil marunong siyang mag-Tagalog kahit Spanish-Filipino siya. First acting project ito ni Gil na dumaan sa isang audition. 

Maraming nag-audition at ilan sa na-consider na pwedeng gumanap na Matteo Do ay sina Richard Yuan, Ken Chan, Ken Alfonso, Jake Ejercito, Lharby Policarpio pero si Gil ang pinalad na napili. 

Nasa Hong Kong daw siya nang tinawagan siya ng kanyang agency na mag-audition for the role. Tamang-tama raw naman na pauwi siya ng Pilipinas dahil may ilang papers siyang aasikasuhin dito kaya hindi na siya nagdalawang-isip na mag-audition.

Excited din naman si Jennylyn na sabi’y magsisimula na silang mag-taping ni Gil sa Monday, December 12, dahil pagkatapos ng sunud-sunod na drama series niya, first time niyang gagawa ng isang romantic-comedy series. Kung nasubaybayan ninyo ang My Love From The Stars, si Steffi Cheon ay isang artistang medyo mababa ang IQ kaya magkasalungat sila ni Matteo Do na napakatalino naman pero mai-in love rin sa kanya.  Si Bb. Joyce Bernal ang magdidirek ng nasabing series.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with