^

Pang Movies

Ruffa pwedeng book 2 ang mga pang-eeklay sa ina

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Ruffa pwedeng book 2 ang mga pang-eeklay sa ina

Ruffa

Ang daling kilalanin, Salve A., ng mga aktor na binanggit ni Ruffa Gutierrez sa kanyang librong The Lies and Truth My Mom Told Me, na nagkaroon ng kaugnayan sa kanya.

No wonder na isa raw sa mga ito ang, kumbaga, ‘pumiyok’ na. Obvious na ang iba ay nabasa na rin ang libro. Posibleng may isa o dalawa na piniling i-ignore na lang.

Puwedeng magkaroon ng sequel ang librong ito ni Ruffa, ang pwedeng title ng book two ay The Truth and Lies I Told My Mom.

Siguradong interesting din ang laman ng librong ito, ‘pag nakataon.

Vice gustong maglibot sa mga probinsya

If allowed the chance, gusto raw ni Vice Ganda  na makapaglibot kahit sa ilang lugar outside Metro Manila, para pasalamatan ang lahat ng taong nanood ng pelikulang The Super Parental Guardians, kasama si Coco Martin, plus child actors Onyok Pineda at Awra Briguela na napapanood din sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang pelikulang currently showing in 300 theaters nationwide ay gumagawa raw ng history sa box-office. So far, kumita na ito ng more than P250-M

Produced by Star Cinema and directed by Bb. Joyce Bernal, ang The Super Parental Guardians ay nagsimulang ipalabas noong November 30.

Guess how much the film earned on its first day of exhibition?

Reportedly a cool  P75-M.

Marco at Edward susubukan ang kapalaran sa showbiz

Mananatili sa bansa ang dalawa sa Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Marco Gallo at Edward Barber, obviously para pasukin ang showbiz.

Sa dalawang former housemates ni Kuya, si Marco ang nakakaintindi at nakakapagsalita rin ng Tagalog.

Edward said, nakakaintindi rin siya ng Tagalog pero hindi siya masyadong fluent magsalita.

“Pero, matutunan ko rin ang magsalita ng Tagalog ,” ani Edward na may binili na raw na Tagalog dictionary.

Better looking sa dalawa si Edward. Although, may angking kakaibang charm si Marco.

What is in store for them in the business, that we have yet to see.

Kung sabagay, kung si Sam Milby na ipinanganak at lumaki sa US, ay naging leading man sa ilang pelikula at TV series, why can’t Marco and Edward make it, too.

Parinig ni Sharon pinatos ni Gabby

O, hayan naman pala, Salve A., at eager si Gabby Concepcion to reunite with Sharon Cuneta in a project, ba’t ‘di na lang siya ang gawing leading man ng Star Cinema sa pelikulang gagawin ni Mega with the film firm?

Sa isang interview, ini-reveal ni Sharon na wala pang tiyak siyang kapareha sa gagawin niyang project for Star Cinema.

Taon na rin ang binilang mula nang magtambal sina Sharon at Gabby sa isang project. Tiyak na iwe-welcome ng kanilang mga tagahanga ang makita muli sila sa isang pelikula. Sina Sharon at Gabby ang hottest love team noong kanilang kapanahunan.

Ara 18 na ang anak!

Ina ng young actress na si Liza Soberano ang role na ginagampanan ni Ara Mina sa kanyang movie for Star Cinema na My Ex and Whys.

Bagama’t nakaganap na raw ng mother roles si Ara, first time niya na magkaroon ng anak na kasing-edad ni Liza na 18 years old na.

Sa totoong buhay, isa na ring ina si Ara sa nearly two year-old daughter na ang ama ay isang politician.

Big come on daw para kay Ara na malamang si Direk Cathy Garcia-Molina ang mamahala ng pelikula. She dreams na mai-direk nito sa isang project, mapa-TV o pelikula.

Si Enrique Gil ang gumaganap na leading man ni Liza sa pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with