^

Pang Movies

Paolo balak na naman lumayas sa Bulaga?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – May narinig kami sa canteen ng Broadway Centrum. Sinabi ng isang taga-Siyete na may pelikula raw si Paolo Ballesteros na isasali sa film festival sa abroad.

Ang balita, inaanyayahan ang actor na sumama para i-represent sa naturang pelikula. Kapwa nagtatanong sa isa’t isa ang nag-uusap. “Ano ba yan katatapos lang ng six months na suspension ni Paolo sa Eat Bulaga pero eto na naman at may alok isama ang actor?” Sabi ng kausap: “Mabuti man lang sana kung nominated   siya sa pelikulang ilalaban sa abroad okey lang!”

Sabi uli ng isa: “Hindi na dapat sumama ang actor dahil baka magalit na naman ang Eat Bulaga at isuspinde na naman siya uli, naku magpa-Pasko pa naman ang hirap yata ng walang trabaho kapag Pasko!”

Well, kay Paolo na desisyon kung ano bang gusto niya.

Pelikula ni Aiko sa Tarlac ipalalabas

Ngayong unang linggo ng October, magkakaroon ng premiere showing ang movie ni Aiko Melendez sa SM Tarlac. Doon haharapin ng aktres ang kanyang mga tagahanga. Besides, taga-Tarlac ang producer ng naturang pelikula. Grupo ng mga guro at ibang civic minded ang namamahala ng naturang pelikula. Kasama rin ni Aiko ang aktres na si Perla Bautista. 

Nagpasiklab pala ng akting si AJ Muhlach, utol ni Aga Muhlach sa pelikulang Kamandag Ng Droga directed by Carlo J. Caparas.

Ayaw daw mapahiya ni AJ dahil ipinagkatiwala sa kanya ang naturang role na produced ng Viva Films. Matagal nang dapat nagbida si AJ pero ngayon lang siya parang napapansin.

Thank You…

Maraming salamat po sa mga nakaalaala noong September 30. Hindi pala totoong sa mundo ng showbiz ay pulos kaplastikan at pang-sarili lang ang iniisip. (Maligayang kaarawan po tito. – SVA)

Kahit matagal na hindi nagkikita ay nakaalaala silang bumati sa isang espesyal na araw. Mahalaga pala sa kanila noong araw na hindi pa sila kilala at nagabayan namin patungo sa pagsikat. Ngayon ay marunong pa ring tumanaw ng utang na loob ‘yung ibang artistang aming natulungan. Marami pong salamat sa inyong lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with