^

Pang Movies

Sharon umaming nag-concert sa Bilibid, sanay na ring bumisita sa mga kriminal!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Aminado si Sharon Cuneta na bumisita siya sa New Bilibid Prisons at nangyari ito noong may show pa siya sa TV5.

Sinabi ng Megastar na wala siyang nakilala na drug lord nang magpunta siya noon sa Bilibid. May mga nakausap raw siyang mga preso na nakulong dahil sa murder at paggamit ng droga pero hindi niya nakasalamuha ang mga drug lord.

Imbes na maapektuhan, pinagtawanan lang ni Sharon ang balita na nagkaroon siya ng show sa Little Las Vegas ng Bilibid.

Hindi na bago kay Sharon ang pumunta sa mga kulungan dahil naranasan na niya noon na bumisita sa Women’s Correctional, New Bilibid Prisons at sa ibang mga piitan para maghatid-saya sa mga kababayan natin na pinagdurusahan ang mga kasalanan nila sa batas.

‘Di lang marunong kumanta, Frankie magaling din maggitara

Ang kanyang anak na si Frankie ang isa sa mga special guest ni Sharon sa concert nito sa The Theater ng Solaire Resort & Casino sa October 15 at October 22.

Ang sey ni Sharon, si Frankie ang nagmana sa kanya dahil mahilig kumanta ang bagets na talented dahil marunong tumugtog ng gitara.

Nang umapir noon si Frankie sa Eat Bulaga, gustong-gusto ni Sharon na samahan siya.

Hindi natupad ang plano ni Sharon na alalayan si Frankie dahil sa grand finals ng The Voice Kids pero siniguro niya na mapapanood ang guesting ng anak. Ang hit song ni Sharon na Mr. DJ ang kinanta ni Frankie sa Eat Bulaga at umani ng mga papuri ang performance niya.

Sen. Leila palung-palo ang galit, kabog ang mahuhusay na aktres

Ang cute ng reaksyon ni President Rodrigo Duterte nang tanungin siya ng isang reporter tungkol kay Senator Leila de Lima.

Tinanong ng reporter ang reaksyon ni Papa Rody sa pralala ni De Lima na may gusto sa kanya ang pangulo ng bansa. Imbes na sumagot, nagpanggap si Papa Rody na matutumba, sabay baba sa podium at tinalikuran ang nagtatanong.

Nagpatawag naman kahapon ng presscon si De Lima dahil sa riot na nangyari sa New Bilibid Pri­sons. May isang namatay at nasugatan naman si Jaybee Sebastian, ang asset ni De Lima.

Dinaig ng lady senator ang mga mahuhusay na aktres dahil sa acting na ipinakita niya kahapon. Nawindang ang lahat dahil kahapon lamang nila nakita na galit na galit si De Lima.

Live na napanood sa TV ang presscon ni De Lima kaya mabilis na kumalat ang iba’t ibang mga reaksyon at speculations.

Isa lang ang payo ni Papa Rody sa inasal ni De Lima, ang magpahinga muna ang senadora na ilang linggo nang bugbog na bugbog sa mga negative publicity.

Marami nga pala ang naghihintay sa reaksyon ni ex-Sena­tor Jinggoy Estrada sa presscon na ipinatawag kahapon ng imbyernang-imbyernang senadora.

Hindi inililihim ni Papa Jinggoy ang sama ng loob niya kay De Lima noong ito pa ang Justice Secretary. Kukulangin ang espasyo kung iisa-isahin ko ang mga emote ni Papa Jinggoy laban kay De Lima na nagpakulong sa kanila nina Bong Revilla, Jr. at Juan Ponce Enrile.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with